O baka naman wala sa kanila ang magiging top pick bukas sa kinasa-sabikan at inaabangang rookie draft sa activity center ng Glorietta.
Malalaman lamang ang No. 1 pick sa taong ito sa oras na ihayag ng Shell ang kanilang pick para sa taong ito.
"This is one event that will surely keep us on the edge of our seats," paha-yag ni PBA Commissioner Noli Eala. "It is a wide-open race for the honor of No. 1 pick overall and anybody at this point has a chance at being the one."
Sa kasalukuyan, walang magagawa ang mga fans, officials at coaches kundi mag-speculate kung sino ang pipiliin ng Shell mula sa 46-man rookie aspirants.
Si Yap ang may pinakamagandang credential sa mga draftees sa taong ito matapos makopo ang Most Valuable trophy sa UAAP para sa University of the East.
Ngunit isang big man ang kinakailangan ng Shell sa kanilang roster at posibleng ang kanilang pagpipilian ang sina De Ocampo at Ervin Sotto.
Naririyan din sina Fil-Am Joachim Thoss at Marc Pingris na nagpa-kitang-gilas sa Rookie Camp noong Linggo sa Quezon Memorial Circle.
Isa rin sa posibleng senaryo ay i-trade ng Shell ang kanilang no. 1 pick kaya posibleng gamitin ito para kay Yap o sa kanyang UE teammate na si Paul Artadi.
Inaasahang mapipili rin sa first round sina Wesley Gonzales ng Ateneo, Carlo Sharma ng La Salle at PBL hotshot Gary David.
Ikalawang pipili ang Purefoods na posibleng kumuha kay Yap o si Alvarez kasunod ang FedEx na may tatlong pick sa first round matapos makuha ang no. 5 pick ng Ginebra at no. 9 ng Talk N Text.
Ang draft ay magsisimula sa alas-6:00 ng gabi na mapapanood sa bagong TV coveror na ABC-5.