^

PSN Palaro

Pag-ani ng maraming ginto sa 2005 SEAG bibigyan pansin ni GTK

-
Nakatuon ang pansin sa paghakot ng mas maraming gintong medalya sa 2005 SEA Games, isasaayos ni PATAFA Chief Go Teng Kok ang lahat ng kanyang atleta.

Sa apat na oras na pakikipagpulong sa coaching staff na dinaluhan din ni PATAFA secretary-general Ben Silva-Netto, inatasan ni Go ang lahat na ilista ang lahat ng potentional national athletes para sa training at development para sa nalalapit na pagho-host ng bansa sa biennial tournament.

Mula sa orihinal na 52 atleta kung saan 35 ang sumali sa 2003 Vietnam SEA Games, nais ng athletics chief na itaas ang bilang sa 78.

"We need to have at least three athletes competing in one event. Since we will focus only on 26 of the 46 events in athletics, the increase is just minimal and will require also minimal financial support from the Philippine Sports Commission," paliwanag ni Go.

Base sa karanasan sa Hanoi noong Disyembre, sinabi ni Go na ang Vietnamese at Thais ay may limang atletang kalahok sa isang event. Ang Pinas ay umukit ng 8 gintong medalya sa Vietnam SEA Games na tinampukan ng record-breaking run ni Eduardo Buenavista sa 10,000 meters.

Bukod kay Buenavista, ang iba pang gold medalists ay sina Lerma Bulauitan-Gabito (long jump), Arnel Ferriera (hammer throw), Rene Herrera (3,000 steeplechase), John Lozada (1,500M, Ernie Candelario (400M), Allan Ballester (marathon) at Danilo Fresnido (javelin).

"I told the coaches to add athletes in event where the gold is in the bag and in other events where we have a medal chance," ani Go.

Bukod kay Silva-Netto nakipagpulong din kay Go sina head coach Isidro del Prado, Joseph Sy, Dario da Rosas, Romeo Gido, Jojo Posadas, Agustin Jarina at Luisito Artiaga.

Inirekomenda din ni Go ang paglilista ng limang non-performing national athletes upang maibigay ang slots sa mas karapat-dapat na aspirante mula sa training pool.

AGUSTIN JARINA

ALLAN BALLESTER

ANG PINAS

ARNEL FERRIERA

BEN SILVA-NETTO

BUKOD

CHIEF GO TENG KOK

DANILO FRESNIDO

EDUARDO BUENAVISTA

ERNIE CANDELARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with