Sana palarin ang ating mga boksingero
January 13, 2004 | 12:00am
Matapos ang matagumpay na paggagawad ng mga parangal sa mga pinagpipitagang atletang gumawa ng karangalan sa ating bansa noong Biyernes sa Manila Pavilion, hindi nag-aksaya ng panahon si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain para pag-isipan ang darating pang international event tulad ng Athens Olympics at higit sa lahat ang pagho-host ng bansa sa 2005 Southeast Asian Games.
Sa ngayon, dapat nagsimula ang training ng atletang dapat sumabak sa Athens Olympics.
Pero siyempre ang lahat ng atleta sa bawat sports ay dadaan sa qualifying na siyang dedetermina kung makakasali sila sa Olympics.
Tulad ng Philippine boxing team natin ngayon na nasa Puerto Princesa at nakikipagsapalaran na makakuha ng at least apat na tiket patungong Athens.
Masyadong matinik ang daan patungo sa Olympics kung saan pawang mga bigatin at mga medal winners ng nakaraang Sydney Olympics ang magtatangka din na makakuha ng slots para sa Asian.
Sana ay palarin ang ating mga boksingero sa qualifying baka ito na ang panahon para sa pinakahihintay nating gintong medalya sa Olimpiyada.
Noong Biyernes ng gabi sa PSA Awards Night, may nakapagsabi sa amin na isang dating beteranong sportswriter ang galit na galit sa isang head ng NSA.
Kasi ba naman daw, may ipinagkakalat daw ang NSA head na ito. Kung bakit ba naman kasi sa mismong araw ng mga sportscribes pa ito nagdadaldal.
Ewan ko ba, sobrang taas daw ng ihi ng opisyal na ito at halos nakalaban na rin ang ilang NSA heads. Dinadaan daw yata sa pera pero hindi niya alam, kinukuwartahan lang siya ng mga sinasabing kaibigan niyang kapwa niya NSA heads at maging ng ilang sportscribes.
Sana magising ka sa katotohanang hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera.
Hindi nga ba?
How true naman kaya itong balitang pinagwelgahan daw ng wushu players ang PSA Awards Night dahil hindi sila kabilang sa mga major awardees. Special citations lang daw ang ibinigay sa kanila gayung world champions naman sila.
Ganun?
Sa ngayon, dapat nagsimula ang training ng atletang dapat sumabak sa Athens Olympics.
Pero siyempre ang lahat ng atleta sa bawat sports ay dadaan sa qualifying na siyang dedetermina kung makakasali sila sa Olympics.
Tulad ng Philippine boxing team natin ngayon na nasa Puerto Princesa at nakikipagsapalaran na makakuha ng at least apat na tiket patungong Athens.
Masyadong matinik ang daan patungo sa Olympics kung saan pawang mga bigatin at mga medal winners ng nakaraang Sydney Olympics ang magtatangka din na makakuha ng slots para sa Asian.
Sana ay palarin ang ating mga boksingero sa qualifying baka ito na ang panahon para sa pinakahihintay nating gintong medalya sa Olimpiyada.
Kasi ba naman daw, may ipinagkakalat daw ang NSA head na ito. Kung bakit ba naman kasi sa mismong araw ng mga sportscribes pa ito nagdadaldal.
Ewan ko ba, sobrang taas daw ng ihi ng opisyal na ito at halos nakalaban na rin ang ilang NSA heads. Dinadaan daw yata sa pera pero hindi niya alam, kinukuwartahan lang siya ng mga sinasabing kaibigan niyang kapwa niya NSA heads at maging ng ilang sportscribes.
Sana magising ka sa katotohanang hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera.
Hindi nga ba?
Ganun?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am