Magandang buwena-mano inilista ni Ladon

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Isang magandang panimula ang binuksan ni Junard Ladon nang itala nito ang isang malaking panalo kontra kay Jassim Meshal ng Iraq makaraang umiskor ito ng RSC (Referee-Stopped-Contest) sa ikatlong round sa harap ng nagbubunying manonood sa Puerto Princesa Coliseum dito.

Si Ladon, ang 21 anyos na tubong Bago City na ang pinakamalaking panalo ay isang gold medal sa Goa tournament sa India noong nakaraang taon, ay sinindak si Meshal ng tatlong beses sa unang round sa pamamagitan ng solidong right straights at manatiling matatag sa second round bago inilista ang tagumpay makaraang ma-injured ang kanang pulso ng kalaban may 48 segundo pa ang nalalabi sa third round.

"Magandang simula," ani Nolito Velasco, isa sa coach ng host team na humawak din kay Ladon sa Navy Team na manguna sa National Open noong nakaraang taon.

"Hopefully maging inspirasyon sa mga bata," dagdag pa ng nakatatandang kapatid ni Atlanta Olympics silver medalist Mansueto "Onyok" Velasco.

"It is both an honor and privileged to become part of a significant boxing event like this one where the best of Asia compete for Olympic slots," patungkol naman ni Palawan Governor Joel Reyes, sa isang linggong event na magsisilbing iuna sa tatlong qualifiers para sa Athens Olympics ngayong taon.

Samantala, bubuksan ni Harry Tanamor, pinakamaningning na prospect ng RP Team ang kanyang kampanyang maisubi ang mailap na Olympic gold medal sa kanyang pakikipagtagpo kay Faisal Altanak ng Kuwait sa isang linggong event na taon.

Mahaharap din sa hindi kalakasang kalaban sina flyweight Violito Payla, lightweight Florencio Ferrer, welterweight Francis Joven at Fil-Am light middleweight Chris Camat.

Makakalaban ni Payla si Holapatiphone Nhothinh ng Laos; Ferrer laban kay Yoshua Pujiono ng Indonesia; Joven vs Zuhair Khudhair ng Iraq; at Camat kontra naman sa kalabang Indian.

Ngunit hindi tulad ni Tanamor, ang silver medalist sa 2002 Busan Asian Games at natatanging gold medal winner sa Vietnam SEA Games, makakaharap naman nina veteran Olympians Arlan Lerio (bantam), Romeo Brin (light welter) at Maraon Golez (middle) ang malakas na kalaban.

Si Lerio, na lumaban sa 2000 Sydney Olympics, si Almuz Assanov, isa sa pambato ng powerhouse na umukit ng dalawa sa apat na gintong medalyang ibinulsa ng Asyanong bansa noong Sydney Olympics.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipag-palitan naman ng kamao si Brin, biglaang kapalit ni Mark Jason Melligen, na nilalagnat, si Vietnam SEAG gold medalist Manus Boonjumnong ng Thailand habang makikipagsapalaran naman si Golez kay Nodir Gula-mov ng Uzbekistan.

"Walang problema kung sino man ang makalaban dahil kumpiyan-sa naman ang mga bata," ani RP team coach George Caliwan.

Samantala, pormal namang binuksan nina Amateur Boxing Asso-ciation of the Philippines (ABAP) president Manny T. Lopez, Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn at Gov. Joel Reyes ang naturang torneo.

 Nagbigay si International Boxing Federation (AIBA) chief Anwar Chowdry ng Pakistan ng inspirational message para sa kabuuang 212 boksingero mula sa 30 bansa.(Ulat ni Joey Villar)

Show comments