QUALIFIED SI BACULI

Kung mayroong isang coach sa Philippine Basketball League na hinog na hinog na para umakyat sa Philippine Basketball Association, ito’y walang iba kundi si Edmundo "Junel" Baculi.

Sa mga coaches na nasa PBL, si Baculi na ang winningest dahil sa nagwagi siya ng ilang kampeonato habang hawak niya ang Wel-coat House Paint. At sa nakaraang Unity Cup ay naihatid din niya sa kampeonato ang Hapee Toothpaste (ngayo’y Fash Liquid).

Sa Hapee naman nagsimula si Baculi kung saan nabigyan din niya ng unang kampeonato ang Lamoiyan franchise bago siya lumipat sa Welcoat nang pansamantalang lisanin ng prangkisa ang liga.

Kaya naman marami sana ang madi-disappoint kung hindi naka-rating ang Fash Liquid sa semis ng kasalukuyang Platinum Cup. Aba’y hanggang sa huli’y aandap-andap ang tsansa ng Fash na umabot sa susunod na round dahil sa kalaban pa nilang mahigpit ang Montana Pawnshop habang naghihintay na ang Welcoat, Blu Star Detergent at baguhang Sunkist Orange.

Pero kahit paano’y kumpiyansa si Baculi na aabot sila sa semis. Kasi nga’y kumpleto naman ang kanyang line-up. Aniya’y marami lang distractions.

Nang minsang makausap namin siya ay nasabi niyang ang ilang players niya’y nakipag-ensayo na sa PBA teams. Bagamat hindi naman siya nagtampo ay sinabi niyang hindi dapat na nangyari ito.

Unang-una’y sa pakikipag-ensayo sa PBA teams ay bumababa kahit paano ang market value ng isang Draft applicant. Para bang iniisip ng mga Draft hopefuls na kailangang magpakitang-gilas pa sila para mapili ng PBA ballclubs gayung may pruweba na naman sila.

Concerned din kasi si Baculi sa kanyang mga players at nais ni-yang mapabuti ang mga ito. Alam naman niyang "stepping stone" lang ng mga ito ang PBL at sa malao’t madali’y papanhik din sila sa PBA kung saan mas malaki ang kanilang kikitain.

Pero siyempre, maraming nagsasabing kung si Baculi ay humu-hubog sa kinabukasan ng mga amateur players para maging mahu-say na professional players, bakit hindi man lang siya makuha sa PBA kahit na bilang assistant coach.

Katunayan, maraming nagsasabing dapat ay siya na ang kinuha ng Shell Velocity bilang kapalit ni John Moran na isang Amerikano.

Wala pa namang napatunayan si Moran samantalang sangrek-wang kampeonato na ang napanalunan ni Baculi.

Pero ganoon talaga ang buhay.

Kahit si Baculi mismo ay tanggap na ang kapalarang iyan.

"Kung hindi naman ukol, hindi bubukol, e. Basta ako, dito lang. Nagtatrabaho lang. Kung sakaling mabigyan ng mas malakig break, okay lang. Kung hindi naman, masaya naman ako sa treatment sa akin sa Lamoiyan. Wala na akong mahihingi pa dito," aniya.

Buong-buo ang tiwala sa kanya ng pamunuan ng Fash. Kaya naman nais niyang suklian ito ng mas maraming kampeonato pa.

Show comments