Ayon kay Jose Capistrano Jr., presidente ng 66th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na ang mga champion athletes at teams sa UAAP ang siyang kakatawan sa bansa sa nasabing biennial meet na huling ginanap noong 2002 sa Philippines.
Magiging punong abala ang Indonesia sa pamamagitan ng Indonesian University Sports Council sa siyam na sports-football (men), basketball, volleyball, athletics, swimming, badminton, table tennis, lawn tennis at pencak silat.
Ang Surabaya ang siyang magiging main hub ng nasabing event bagamat pakakalatin ng Indonesia ang ilang mga games sa kalapit na bayan at siyudad.
Bukod sa Philippines at Indonesia, kabilang din sa miyembro ng games ang Brunei, Cambodia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam. Ini-host ng Thailand ang inagurasyon ng nasabing event noong 1980, 1988 at 1990, bago sumunod ang Malaysia, Singapore, Indonesia at Brunei.