^

PSN Palaro

WBC title hindi naagaw ni Gamboa

-
Nabigo si Joma Gamboa ng Pilipinas na maagaw ang World Boxing Council (WBC) lightflyweight title kay Mexican champion Jorge Arce matapos na siya ang humiga sa loob ng dalawang rounds kahapon ng umaga sa Mexico City.

Hindi nahirapan si Arce na tapusin ang laban at walang nagawa si referee Jay Nady ng Estados Unidos kundi ihinto ang laban. Halos hindi man lang na-pressure ang tatlong hurado na kinabibilangan nina Ray Hawkins ng Texas, Peter Trematera ng Florida at Gary Ritter ng Oklahoma.

Bagamat alam ng karamihan na may kabigatan din ang mga kamao ni Gamboa, marami rin ang nag-sabi na mahihirapang talunin ng laking Negros at Cebu ang premyadong si Arce.

Ngayong naging masaklap ang kinahanatnan ng kanyang laban, inaasahan na magreretiro nang tuluyan si Gamboa, na minsan ay naging champion ng World Boxing Association minimumweight division mula Agosto 2000 hanggang Disyembre 2000.

Sakali mang tapusin na nga ni Gamboa ang pag-boboksing ay maaalala siya sa kanyang mga laban kina Venezuelan Noel Arambulet, Thai Saman Sor Jaturong, Thai Phichit Chor Siriwat at maging kay Japanese Keitaro Hoshino.

Si Gamboa ay nagsimulang mag-boksing kasama nina Gerry Peñalosa, Ala Villamor, Jun Gorres at Andy Tabanas.

Bukod sa Mexico City, ang mga iba pang lugar na kung saan napalaban si Gamboa ay sa Caracas (Venezuela), Japan, Las Vegas at Koh Samui at Maha Sarakam sa Thailand.

Kasama ni Gamboa sa Mexico City sina trainer Juanito Ablaca at Japanese manager Joe Koizumi.

vuukle comment

ALA VILLAMOR

ANDY TABANAS

ESTADOS UNIDOS

GAMBOA

GARY RITTER

GERRY PE

JAPANESE KEITARO HOSHINO

JAY NADY

JOE KOIZUMI

MEXICO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with