Ang mga partisipante ay maglalaban-laban sa race-to-five, sudden-death knockout format na ang dalawang pangunahing players ang aabante sa champion-ship round.
Ang dalawang finalists ay bibigyan ng tsansang hamunin si back-to-back Tokyo 9-Ball cham-pion Antonio Gaga" Gabica sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player".
Ang registration fee ay P100. Lahat ng interesadong billiards players ay dapat na dumating na nasa tamang bihis suot ang balat na sapatos at t-shirt na may kwelyo at magrehistro sa lugar bago magsimula ang laban sa alas-6 ng gabi.
Samantala, ang beteranong campaigner na si Emil de la Paz ay humatak ng malaking sorpresa ngunit muling nakabalik si Gabica sa kanilang rematch kahapon upang manatiling tampok na cue artists ng linggo sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinsons Malls.
Tabla sa 2-2, naging mainit si De la Paz at hindi binigyan ng pagkakataon si Gabica sa pagbabalik aksyon ng kanilang laban tungo sa pagwawalis sa huling tatlong racks upang manaig sa 5-2 sa event na binuo ni Tanduay Advertising Manager Larry Li at suportado ni Tanduay Distillers Marketing Manager Andres Co.
Ngunit sa rematch, bumangon si Gabica at muling ipinakita ang tikas upang diktahan ang tempo para sa 5-2 paghihiganti na nagmarka din ng kanyang ikawalong linggo bilang tampok na cue artist.