^

PSN Palaro

60 billiards players kasali

-
May 60 na umaasam na billiards players ang inaasahang lalahok ngayon sa 9-Ball Billiards Open championship sa Elbow Room bukas, Enero 12 na mata-tagpuan sa 5th level ng "The Podium" sa ADB Avernue, Ortigas Center sa tapat ng Megamall, Mandaluyong City.

Ang mga partisipante ay maglalaban-laban sa race-to-five, sudden-death knockout format na ang dalawang pangunahing players ang aabante sa champion-ship round.

Ang dalawang finalists ay bibigyan ng tsansang hamunin si back-to-back Tokyo 9-Ball cham-pion Antonio ‘Gaga" Gabica sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player".

Ang registration fee ay P100. Lahat ng interesadong billiards players ay dapat na dumating na nasa tamang bihis suot ang balat na sapatos at t-shirt na may kwelyo at magrehistro sa lugar bago magsimula ang laban sa alas-6 ng gabi.

Samantala, ang beteranong campaigner na si Emil de la Paz ay humatak ng malaking sorpresa ngunit muling nakabalik si Gabica sa kanilang rematch kahapon upang manatiling tampok na cue artists ng linggo sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinson’s Malls.

Tabla sa 2-2, naging mainit si De la Paz at hindi binigyan ng pagkakataon si Gabica sa pagbabalik aksyon ng kanilang laban tungo sa pagwawalis sa huling tatlong racks upang manaig sa 5-2 sa event na binuo ni Tanduay Advertising Manager Larry Li at suportado ni Tanduay Distillers Marketing Manager Andres Co.

Ngunit sa rematch, bumangon si Gabica at muling ipinakita ang tikas upang diktahan ang tempo para sa 5-2 paghihiganti na nagmarka din ng kanyang ikawalong linggo bilang tampok na cue artist.

vuukle comment

BALL BILLIARDS OPEN

BILLIARDS PLAYER

ELBOW ROOM

GABICA

MANDALUYONG CITY

ORTIGAS CENTER

PAZ

TANDUAY ADVERTISING MANAGER LARRY LI

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with