Pinamunuan ni PBA draftee Niño Gelig ang Fash nang umiskor ito ng 20 puntos at 6 rebounds sa pagtala ng ika-7 panalo sa 12 laro.
Ang panalo ring ito ay nagtabla sa Fash at Blu Star Detergent sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng double round-robin eliminations. Makakasama ng dalawa ang Welcoat Paints at Sunkist-UST sa semis na isa ring double round-robin affair.
Ang 22-anyos na si Gelig ay kumana ng 7 puntos sa pivotal na pinal na yugto upang trangku-han ang pagkalas ng Liquid Powers sa mahigpitang laban.
Sumuporta naman sina Peter June Simon, at Allan Salangsang na nagtala ng 13 at 9 na puntos ayon sa pagkakasunod habang nag-ambag ng 6 puntos, 9 rebounds aty 3 blocked shots si Rich Alvarer.
Sa kabuuan, ang mga starters ng Fash ay nagtala ng pinagsamang 54 puntos laban sa 35 la-mang ng Viva. Ang Liquid Powers ay humatak din ng mas maraming rebounds, 39-33, at mas maraming assists, 14-11, sa pag-asinta ng 40% sa field goal kumpara sa 36 ng Water Force.
Ang Water Force, na natamo ang ika-8 kabiguan laban sa 4 na ta-gumpay at magtutungo na sa maagang bakasyon, ay pinamunuan sa laro ni Sunny Margate na may 11 puntos at 8 rebounds. Maliban sa kanya, wala ng iba pa sa tropa ni coach Koy Banal ang nakapagrehistro ng doble pigurang numero.