^

PSN Palaro

Fash Liquid Powers kumapit sa semis

-
Inangkin ang Fash Liquid Powers ang huling semifinals slot sa pama-magitan ng 61-56 pagpapayuko sa Viva Mineral Water kahapon sa Philippine Basketball League Platinum Cup sa Pasig Sports Center.

Pinamunuan ni PBA draftee Niño Gelig ang Fash nang umiskor ito ng 20 puntos at 6 rebounds sa pagtala ng ika-7 panalo sa 12 laro.

Ang panalo ring ito ay nagtabla sa Fash at Blu Star Detergent sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng double round-robin eliminations. Makakasama ng dalawa ang Welcoat Paints at Sunkist-UST sa semis na isa ring double round-robin affair.

Ang 22-anyos na si Gelig ay kumana ng 7 puntos sa pivotal na pinal na yugto upang trangku-han ang pagkalas ng Liquid Powers sa mahigpitang laban.

Sumuporta naman sina Peter June Simon, at Allan Salangsang na nagtala ng 13 at 9 na puntos ayon sa pagkakasunod habang nag-ambag ng 6 puntos, 9 rebounds aty 3 blocked shots si Rich Alvarer.

Sa kabuuan, ang mga starters ng Fash ay nagtala ng pinagsamang 54 puntos laban sa 35 la-mang ng Viva. Ang Liquid Powers ay humatak din ng mas maraming rebounds, 39-33, at mas maraming assists, 14-11, sa pag-asinta ng 40% sa field goal kumpara sa 36 ng Water Force.

Ang Water Force, na natamo ang ika-8 kabiguan laban sa 4 na ta-gumpay at magtutungo na sa maagang bakasyon, ay pinamunuan sa laro ni Sunny Margate na may 11 puntos at 8 rebounds. Maliban sa kanya, wala ng iba pa sa tropa ni coach Koy Banal ang nakapagrehistro ng doble pigurang numero.

ALLAN SALANGSANG

ANG LIQUID POWERS

ANG WATER FORCE

BLU STAR DETERGENT

FASH LIQUID POWERS

GELIG

KOY BANAL

LIQUID POWERS

PASIG SPORTS CENTER

PETER JUNE SIMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with