^

PSN Palaro

PBA sa ABC-5 na

-
Opisyal na hinirang ng Philippine Basketball Association ang ABC-5 bilang bagong TV coveror ng PBA Games sa pagpasok ng 2004 PBA Season na opisyal na magsisimula sa Enero 16 sa PBA Draft sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Inilarawan ni PBA commissioner Noli Eala ang ABC Channel 5, na "nagtataglay ng mayamang tradisyon at kinaaaniban ng mga taong may solidong kredensyal", ay opisyal nang hinirang kahapon bilang bagong television partner ng pinaka-premyadong ligang basketbol sa Asya.

Binansagan naman ng ABC 5 ang PBA na "he primetime league" bilang pagkilala sa katayuan nito bilang nangungunang liga sa bansa.

Sa isinagawang news conference sa EDSA Shangrila, sinabi ni PBA Chairman Buddy Encarnado na ang pagpili nila sa ABC 5, na pagmamay-ari ng businessman-sportsman na si Antonio "Tonyboy" Cojuangco, ay nagpapatunay sa hangarin ng PBA na maibigay sa mga panatiko at manonood ang pinakamagandang ‘coverage’.

"The choice of ABC 5 reflected the desire of the PBA to provide the best in terms of coverage for the fans." aniya. "the branding of it as ‘The Primetime League’ had really excited the members of the board since fans will now see PBa action almost on a daily basis."

Ayon naman kay PBA Project Director Bobby Barreiro, dating top executive ng GMA 7. Bagong istilo ng pagsasa-ere ng mga laro ang kanilang ipapatupad simula sa pagbubukas ng ika-30 season ng liga.

Ang mga laro umano sa mga araw ng Sabado at Linggo ay ipapalabas nang "live" mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi habang ang ika-2 laro lamang sa Miyerkules ang mapapanood ng "live" sa ganap na ika-7 hanggang 9:30 ng gabi at "slightly delayed" naman ang mga provincial games na gaganapin tuwing Huwebes at mag-uumpisa sa ika-7 rin ng gabi.

Ang unang laro tuwing Miyerkules ay mapapanood ng Biyernes sa ika-7 ng gabi.

Ito, ayon kay Barreiro ay estratehiya ng ABC 5 upang maging pang-araw-araw na panoorin ang PBA sa oras na karamihan sa mga tao ay nasa kani-kanilang mga tahanan na. Sinabi niya na "we still believe in the PBA, which has good players and great games. It will be just a different way of telling the story."

Ang ABC-5 ay magsisimula ng kanilag coverage sa Linggo sa gaga-naping Rookie Camp na pamamahalaan ni coach Norman Black, at sa Annual Draft na nakatakda sa Enero 16 sa Glorietta Activity Center.

vuukle comment

ABC

CHAIRMAN BUDDY ENCARNADO

ENERO

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

LINGGO

MAKATI CITY

MIYERKULES

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with