3 tatlong aplikante sa PBA Draft magpapakitang gilas
January 9, 2004 | 12:00am
Tatlong aplikante sa 2004 PBA Draft ang magpapakitang-gilas sa opening session ng National Basketball Training Center bukas sa Pasig Sports Center.
Sina Arnold Booker ng University of the East, Alwyn John Flores ng St. Francis of Assisi College at Arvin Garcia ng Mt. San Antonio College sa United States ay makakasama ng ilang coaches buhat sa commercial at collegiate ranks na mangangasiwa ng sessions ng programang tatagal hanggang Abril 24
Ang four-month program na kinatatampukan ng one-to-six coached-student ratio, ay bukas sa mga Asyanong kabataan na naglalayong maging mahusay na basketbolista.
Tatanggap pa ng registrants mula ngayon hanggang sa pagsisimula ng session bukas sa ganap na 8 ng umaga at ang mga interesado ay puwedeng makipag-ugnayan sa NBTC secretariat sa 628-65-20.
Taliwas sa ibang summer clinics at camps, hindi titigilan ng coaches-trainors ang mga estudyante hanggang hindi nakikitang maayos na ang skills nito. Hindi siya hahayaang umusad sa susunod na level hanggang hindi pulido ang kanyang kilos.
Ang programa ay isinasagawa na sa San Francisco, Los Angeles, San Diego, Hawaii at Las Vegas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am