^

PSN Palaro

22nd Asian Boxing Qualifying: Chowdry darating sa bansa

-
Darating si Prof. Anwar Chowdry, ang Pakistani na long-time president ng International Amateur Boxing Federation sa Enero 11, upang personal na mag-supervise sa 22nd Asian Boxing Olympic qualifying sa Enero 10-18 sa Puerto Princesa City coliseum sa Palawan.

"We welcome the presence of Mr. Chowdry," ani ABAP president Manny Lopez.

Dadalo din ang mga miyembro ng international jury ng una sa tatlong Asian Olympic qualifyings na sina Shakel Durrani (Pakistan), Kamel Shabib (Syria), Yoo Jae-Joon (Korea), Boris Tshrichmavici (Kazakhstan), Mahmoud Wan (Malaysia), D. Nagatomi (Japan), Wang Gi at Chang P., (China) at Amoyan Ardalan.

May 24 slots ang nakataya para sa puwesto patungong Athens Olympics sa pinakamalaking sporting event sa bansa na itataguyod ng Philippine Sports Commission, Accel, Revicon at Pacific Heights. Ang event na ipapalabas sa NBN-4 ay humatak ng 31 bansa kabilang na ang world class Kazakhstan, Thailand at Uzbekistan na iho-host naman ng provincial government ng Palawan na pinamumunuan ni Gov. Joel Reyes at City Mayor Edward Hagedorn.

Dalawa pang Olympic qualifiers ang gaganapin din ngayong taon sa China at Pakistan kung saan may kabuuang 38 slots ang paglalabanan.

Samantala, umalis na patungong Puerto Princesa ang Philippine boxing team.

Ayon kay head coach Gregorio Caliwan, na siyang namuno sa 9-kataong team na umaasa silang makakakuha ng hanggang apat na slots para sa Olympics sa pangunguna ni Vietnam SEA Games gold medalist Harry Tanamor.

"We’re ready not to disappoint the hometown crowd," ani Caliwan.

Ang Pambansang kulay ay isusuot nina Violito Payla, Florencio Ferrer, Junard Ladon, Francis Joven, Chris Camat, Maraon Goles, Mark Jason Melligen at Sydney Olympian Arlan Lerio.

AMOYAN ARDALAN

ANG PAMBANSANG

ANWAR CHOWDRY

ASIAN BOXING OLYMPIC

ASIAN OLYMPIC

ATHENS OLYMPICS

BORIS TSHRICHMAVICI

CHANG P

CHRIS CAMAT

CITY MAYOR EDWARD HAGEDORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with