Nangunguna sa listahan ng pararangalan ang boxing champion na si Manny Pacquiao at bowling sensation Christian Jan (CJ) Suarez, na kikilalanin bilang co-winners Athlete of the Year award ng pinakamatandang organisasyon sa bansa bunga ng kani-kanilang mga naibigay na tagumpay sa bansa sa taong 2003.
Ang dalawang nabanggit at ang iba pang mga awardees ay personal na babatiin ng First Couple--sina President Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo, ang top two sports supporters ng bansa na inaasahang dadalo sa dalawang oras na pagtitipon sa Manila Pavilion grand ballroom.
Ito ang unang pagkakataon na si Suarez ay nahirang na Athlete of the Year ng mga sportswriting fraternity, habang si Pacquiao ay nanalo sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos na mapasakamay ang nasabing award noong 2002 kasama si equestrianne Mikee Cojuangco-Jaworski.
Sina amateur cage standout Alex Compton at PBA courtside anchor Lala Roque ang tatayong hosts ng palabas na isasa-ere ng NBN-4 sa pamamagitan ng slightly delayed basis at itinataguyod ng Red Bull at Agfa Colors, na may suporta mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Basketball Asso-ciation (PBA), San Miguel Corp. at Manila Mayor Lito Atienza.
Ipakikilala ni PSA president Bert Cuevas ng Manila Standard ang mga panauhing pandangal kasama ang first vice-president na si Jimmy Cantor ng Malaya sa alas-7 ng gabing programa para sa welcome remarks.
Makikisalo sa karangalan ng dalawa ang womens bowling team nina Liza del Rosario, Liza Clutario at Cecille Yap na tatanggap ng PSA President Award sa kanilang pagwawagi ng gold medal sa trios event ng FIQ cham-pionship sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang Bacolod girls softball team naman ang tatanggap ng Antonio M. Siddayao award matapos na isubi ang Junior League World Series sa Washington.