^

PSN Palaro

Areval talsik kay Tan Ho 15th Andrada Cup Age-Group

-
Pinatalsik ng second seed na si Joshua Tan Ho ang fourth pick na si Ken Patrick Arevalo, 7-5, 7-6 (3) kahapon upang umusad sa boys’ 14-under finals ng 15th Andrada Cup Age-Group Tennis Champion-ships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Makakaharap ni Tan Ho ang unseeded Japanese na si Tashiya Suzuki na umiskor ng 6-0, 6-2 tagumpay kontra kay Juan Carlo Pantua.

Sa boys’ 16-under class, umahon ang second seed na si Raymond Villarete sa huling set upang iposte ang 6-4, 4-6, 6-1 tagumpay laban sa fifth seed na si El Santo Santos at itakda ang kanyang pakikipag-harap sa Japanese na si Katoh Taiki na nanaig naman sa kanyang kababayan na si Kutsunugi Kyouhei, 6-0, 6-1 sa semifinals.

Nagawa ring umusad sa susunod na round ni Juv Alban at Japanese Jenji.

Sa boys’ 18-under category, ginapi ng seventh seed na si Arithmetico Lim ang Japanese na si Kutsunugi Kyouhei, 6-1, 6-3, upang makasama sina No. 1 Irwin de Guzman, No. 4 Nico Riego De Dios at unseeded na si Nestor Celestino Jr. sa semifinals ng isang linggong event na ito na hatid ng PSC at Dunlop balls.

Samantala, sa girls’ 18-under pinabagsak ng top seed Catherine Flores ang Haponesa na si Miho Ishida, 7-5, 6-0, at umusad sa final kontra sa second seed na si Bien Zoleta na nakalusot naman sa Japanese netter na si Naoko Ushima, 1-6, 6-1, 6-3.

vuukle comment

ANDRADA CUP AGE-GROUP TENNIS CHAMPION

ARITHMETICO LIM

BIEN ZOLETA

CATHERINE FLORES

EL SANTO SANTOS

JAPANESE JENJI

JOSHUA TAN HO

JUAN CARLO PANTUA

JUV ALBAN

KUTSUNUGI KYOUHEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with