Kung hindi lalahok sa purse bidding: Pacquiao baka matanggalan ng korona
January 8, 2004 | 12:00am
Matatanggalan ng korona si Manny Pacquiao kung hindi ito lalahok sa purse bidding para sa kanyang mandatory defense ng International Boxing Federation (IBF) superbantamweight title sa Enero 16.
Ayon sa IBF, kailangan na ni Pacquiao na idepensa ang korona kay Jose Luis Valbuena ng Venezuela dahil sa paso na ang ultimatum na ibinigay ng boxing body dito. Huling idinepensa ni Pacquiao ang IBF title nito lamang Hulyo 26 sa Los Angeles, kung saan niya pinatumba si Emmanuel Lucero ng Mexico sa loob ng tatlong rounds.
Ngunit noon pang Ok-tubre 26 sa Davao huling naidepensa ni Pacquiao sa isang mandatory challenger ang titulo. Si Fabrrakob Rakkiatgym ng Thailand ay di tumagal ng tatlong round.
Ang panalo ni Pacquiao kay Marco Antonio Barrera ng Mexico noong Nobyembre sa Alamo dome sa San Antonio, Texas, ay isang nontitle featherweight fight, ngunit itinanghal na hari ng featherweights si Pacquiao matapos ang laban.
Hindi pa rin malaman ni Pacquiao kung kailan siya sasabak sa ring dahil sa maaaring sa Pebrero na ito makalipad patungong US dahil sa dami ng commitment sa Maynila.
Panay ang shooting ni Pacquiao ng commercial at dadalo pa ito sa annual awards night ng Philippine Sportswriters Association bukas ng gabi sa Manila Pavilion upang tanggapin ang Athlete of the Year award.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended