RP boxing team kumpiyansa
January 7, 2004 | 12:00am
Handa sa labanan at taglay ang suporta ng mga kababayan, kumpiyansa ang Philippine boxing team na makapaglabas ng eksplosibong performance sa 22nd Asian Olympic Boxing qualifying tournament sa Jan. 10-18 sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.
Sinabi kahapon ng head coach na si Gregorio Caliwan na ang mga nationals ay kasalukuyang nag-sasanay ng husto sa ABAP Gym sa Rizal Memorial Sports Complex at nasa misyon na makapagbulsa ng hindi bababa sa apat na slot sa Athens Olympics.
If we get four, Ill be satisfied. If we get more than four, Ill be very satisfied, pahayag ng 54-anyos na si Caliwan, isang retired Armyman.
Ang nasabing event ay sponsored ng Philippine Sports Commission, Accel, Revicon at Pacific Heights, at ito ay ipalalabas ng delayed basis sa NBN-4.
Hindi muna inihayag ni Caliwan ang mga pangalan kung sino ang inaasahan niyang mananalo, ngunit sinabi nito na sa siyam na kataong Philippine team walang dahilan para madismaya ang mga kababayan natin.
Ang iba pang miyembro ng coaching staff ay sina Boy Velasco, Pat Gaspi, Alex Arroyo at Olympians Ronald Chavez at Vic Arsena.
Sinabi naman nina ABAP president Manny Lopez na ginagawa lahat nina Palawan Gov. Joel T. Reyes at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn upang maseguro ang tagumpay ng qualifying na may nakalaang 24 slots sa Athens Olympics.
Dahil sa kinakaharap na political hotshots, kapwa nagsabi ang mga mamayan ng Palawan at Puerto Princesa na bibigyan nila ng kakaibang trato ang lahat ng 31 kalahok na bansa sa nasabing slugfest.
Babanderahan ng lightflyweight na si Harry Tanamor, ang nag-iisang gold medalist sa nakaraang Vietnam SEA Games at Busan Asiad silver medalist ang kampanya ng bansa.
Ang iba pang kakampanya sa Philippines ay sina flyweight Violito Payla, bantamweight Arlan Lerio, featherweight Junard Ladon, lightweight Florencio Ferrer, lightwelterweight Mark Jason Melligen, welterweight Francis Joven, middleweight Chris Camat at lightheavyweight Maraon Goles.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended