Gamit ang formula at intensidad na naghatid sa kanila sa second best record makaraan ang unang round, pinabagsak ng Jewels ang ICTSI-La Salle, 79-67 upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa para sa huling semifinals berth sa pagpapatuloy ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.
Muling nagpasiklab ang hotshot na si Gary David at Jon Dan Salva-dor nang magtulungan sa ibinabang matinding atake ng Jewels sa final na apat na minuto upang wakasan ang kanilang four-game losing run. Bunga nito napaganda ng Jewels ang kanilang kartada sa 5-6 record.
Kailangan ng Jewels na manaig kontra sa Welcoat sa Sabado at manalangin na matalo ang isa sa nalalabing dalawang laro ng Fash Liquid upang makausad sa susunod na round.
Humakot si David ng 22 puntos bukod pa ang limang rebounds, habang nagtala naman si Salvador ng panibagong double-double performance nang kumana ng 10 puntos at humakot ng 15 rebounds.
Bagamat talsik na sa kontensiyon, nagbigay pa rin ang Archers, na luma-sap ng ikasiyam na pagkatalo matapos ang 11 laro, ng mabigat na laban makaraang makaahon mula sa 9-puntos na pagkakabaon at makalapit sa 64-67.
Ngunit naging mata-tag ang Jewels at nagawa nilang mapanatili ang composure na naghatid sa kanila sa panalo.
Sa pagtutulungan nina David at Magpayo, nagpasabog ang Jewels ng 12 puntos at ibigay sa Jewels ang 79-64 kampanteng katayuan.