^

PSN Palaro

Tiyak na may Rigodon na naman

SPORTS LANG ... - Dina Marie Villena -
Tapos na ang holiday season kaya tiyak na magiging abala na naman ang mga PBA teams sa pagpapalakas ng kanilang team. Yung iba nga magsisikap na baguhin ang kanilang imahe para sa taong ito kung saan magkakaroon muna ng transition tournament bago tuluyang mabago ang kalendaryo ng liga na magsisimula sa Oktubre.

Pormal na magbubukas ang PBA season 2004 sa pama-magitan ng PBA Draft sa Glorietta Acitivity Center sa Makati City, sa Enero 16. Pero bago ‘yan, tiyak na maraming pagba-lasa, trade, at rigodon ng mga players.

Kaya abangan ninyo dahil paniguradong yung mga paborito ninyong players ay magsusuot ng panibagong jersey.
* * *
Habang magiging abala ang lahat ng koponan sa pagbabago ng kanilang team, prenteng-prente naman ang Red Bull Barako. Kasi Bukod sa trade kay Willie Miller, hihintayin muna nila ang PBA Draft bago magsagawa ng hakbang.

At dahil may ilang araw pa bago ang Draft, pinagtutuuan muna ni coach Yeng Guiao ang kanyang political career.

Hindi na talaga mawawala sa dugo ni Yeng ang politika na iniwan ng kanyang yumaong ama na si dating Pampanga Gov. Bren Guiao.

"Ganun talaga, pasa-pasa ‘yan," maikling pahayag ni Yeng na tatakbong vice-Governor sa ilalim ng LAKAS ticket kung saan ang anak ni Gov. Lito Lapid na si Mark ang tatakbong Governor.

Biniro ko nga na kaya siya naubusan ng buhok ay dahil sa pagiging coach ngayon dagdagan pa niya ng pulitika.

"Okay lang na maubos ang lahat ng buhok ko," tanging sambit niya.

Kunsabagay, bagay naman kay Yeng ang kalbo, di ba Mareng Jenny?
* * *
Nabanggit din ni Yeng sa amin na tatakbong konsehal ang dating PBA player na si Ato Agustin sa San Fernando, Pampanga.

Well, wala namang pagbabago dahil parami ng parami ang bilang ng mga basketbolistang pinasok na rin ang mas magulo at maduming daigdig ng pulitika.

Kaya abangan at hahaba pa ang listahan...

ATO AGUSTIN

BREN GUIAO

GLORIETTA ACITIVITY CENTER

KASI BUKOD

KAYA

LITO LAPID

MAKATI CITY

MARENG JENNY

YENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with