Montana, Viva Mineral gusto pang humirit
January 6, 2004 | 12:00am
Para sa Montana Pawnshop at Viva Mineral Water, hanggat hindi pa sila opisyal na napapatalsik sa kontensiyon, may maganda pa rin silang hinaharap.
At sa pagtikada ng ala-1:30 ng hapon, pipilitin ng Jewelers na baligtarin ang kanilang katayuan sa nakatakdang pakikipagharap nito sa ICTSI-La Salle sa pagbabalik ng aksiyon ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.
Ganito rin ang nais na isagawa ng Water Force sa kanilang duwelo ng semifinalist ng Welcoat Painst sa huling laro dakong alas-3:30 ng hapon.
Ang Jewelers at Water Force ay pawang nakabaon sa ilalim ng team standings kung saan taglay ng Montana ang 4-6 kartada, habang nag-lista naman ang Viva ng 3 panalo sa likod ng 7 talo matapos ang kanilang ika-10 laro.
Tanging pag-asa ng Water Force at Jewelers ay ang maipanalo ang kanilang nalalabing mga laro upang makaiwas sa maagang pagbabakasyon.
Tila matarik na landas ang daraanan ng Viva na babanderahan ng mga mahuhusay na players mula sa Far Eastern Uni-versity dahil ang kanilang sasagupain ay ang tiga-sing House Paints na nagtataglay ng impresibong 8-2 panalo-talo kartada na kailangan nilang talunin ngayon, gayundin ang Fash Liquid Detergent sa Sabado upang ipuwersa ang three-way tie para sa huling semis slot.
Ang Jewels ay muling pamumunuan nina Gary David, Jon Dan Salvador at Jam Alfad samantalang sina Joseph Yeo, Joachim Thoss at Dino Aldeguer naman ang sasandigan ng Archers, na hindi pa rin makukuha ang serbisyo ng pangunahin nilang manlalarong si Mark Cardona, na mayroon pa ring injury.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended