Ito ang naging katanunangan makaraang papirmahin ng Hotdogs ang free agent na si Peter June Simon ng dalawang taong kontrata. Si Simon na isang mahusay na shooter ay makakasama ang Hotdogs pagkatapos na makumpleto niya ang kanyang laro sa Fash Liquid sa ginaganap na PBL Platinum Cup.
At sa pagpasok ni Simon, kailangan na ngayon ng Purefoods na palakasin ang kanilang frontline sa pagkuha ng isang malaking player sa No. 2 pagkatapos pumili ng Shell sa Draft.
At akma sa lugar na ito ang tulad nina Ranidel de Ocampo, Ervin Sotto, Rich Alvarez, Marc Pingris at Joaquim Thoss na maaring makuha sa Enero 16. Tiyak naman na malaking tao din ang pipiliin ng Turbo Chargers dahil dito sa posisyon na ito kulang ang Shell .
Pagkatapos mamili ng Shell, ang Purefoods naman ang kukuha sa pinagpilian at ang tila malapit dito ay si Alvarez na iisa sa sinasabing susunod sa yapak ni Alvin Patrimonio.
Si Alvarez, two-time Most Valuable Player sa UAAP sa kanyang pinag-laruang Ateneo Blue Eagles ay maaring maglaro ng tatlong posisyon sa hardcourt.
Bukod kay Alvarez, na-impress din si Purefoods coach Paul Ryan Gregorio kay Sotto, na tulad ni Alvarez ay miyembro ng Philippine team na napanatili ang SEAG crown sa nakaraang Vietnam SEA Games.
Si Sotto ay isang mahusay na rebounder na may mahusay na kamay sa shooting maging sa three-point area. Ito ay produkto ng St. Francis of Assisi College. (Ulat ni AC Zaldivar)