^

PSN Palaro

Yap kailangan pa ba ng Hotdogs?

-
Kailangan pa ba ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na kunin si James Yap bilang second overall pick sa nalalapit na 2004 PBA Draft na naka-takda sa Enero 16 sa Glorietta Activity Center sa Makati City?

Ito ang naging katanunangan makaraang papirmahin ng Hotdogs ang free agent na si Peter June Simon ng dalawang taong kontrata. Si Simon na isang mahusay na shooter ay makakasama ang Hotdogs pagkatapos na makumpleto niya ang kanyang laro sa Fash Liquid sa ginaganap na PBL Platinum Cup.

At sa pagpasok ni Simon, kailangan na ngayon ng Purefoods na palakasin ang kanilang frontline sa pagkuha ng isang malaking player sa No. 2 pagkatapos pumili ng Shell sa Draft.

At akma sa lugar na ito ang tulad nina Ranidel de Ocampo, Ervin Sotto, Rich Alvarez, Marc Pingris at Joaquim Thoss na maaring makuha sa Enero 16. Tiyak naman na malaking tao din ang pipiliin ng Turbo Chargers dahil dito sa posisyon na ito kulang ang Shell .

Pagkatapos mamili ng Shell, ang Purefoods naman ang kukuha sa pinagpilian at ang tila malapit dito ay si Alvarez na iisa sa sinasabing susunod sa yapak ni Alvin Patrimonio.

Si Alvarez, two-time Most Valuable Player sa UAAP sa kanyang pinag-laruang Ateneo Blue Eagles ay maaring maglaro ng tatlong posisyon sa hardcourt.

Bukod kay Alvarez, na-impress din si Purefoods coach Paul Ryan Gregorio kay Sotto, na tulad ni Alvarez ay miyembro ng Philippine team na napanatili ang SEAG crown sa nakaraang Vietnam SEA Games.

Si Sotto ay isang mahusay na rebounder na may mahusay na kamay sa shooting maging sa three-point area. Ito ay produkto ng St. Francis of Assisi College. (Ulat ni AC Zaldivar)

ALVAREZ

ALVIN PATRIMONIO

ATENEO BLUE EAGLES

ENERO

ERVIN SOTTO

FASH LIQUID

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

JAMES YAP

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with