Galan, Delos Santos sumulong

Nagpasiklab ang 13-anyos na si Rommele delos Santos at ang siyam na gulang na si Jan Nigel Galan nang kanilang pamunuan ang kani-kanilang divisions matapos ang tatlong rounds ng finals para sa selection ng miyembro ng 2004 US-bound Milo Checkmate sa J&F Divino Building sa Quirino District, Quezon City.

Naka-draw si delos Santos laban kay Region 3 bet John Marco Lazaro at John Robin Buenavista ng Ateneo sa unang dalawang rounds bago umiskor ng puntos kay Whiz Noche sa 30-moves ng larong Sicilian Nadjorf variation para mamuno sa Junior Section na may dalawang puntos.

Sunud-sunod na panalo naman ang panalo ni Galan ng Lawang Bato Elem. School nang kanyang talunin si Region 1 bet Brena Mac Membrere at Jerome Corpuz ng Region 3 sa unang dalawang rounds para mamuno sa under-10 division bago umiskor ng kanyang ikatlong puntos kay Roy Aldous Coronel sa 76 moves ng isa pang Sicilian game para sa perfect score na tatlong-puntos.

Ang mananalo ay makakasama ng dalawang seeded players sa US bound Milo Checkmate team na kinabibilangan nina Emmanuel Emperado at Gabriel Layugan.

Show comments