^

PSN Palaro

Goodbye NBL, hello NBC

-
Matapos ang matagumpay na 2003 season ng National Basketball League, nagdesisyon ang mga organizers at supporters ng NBL na ibalik ang naturang pangalan sa Basketball Association of the Philippines (BAP) at ilunsad ang kanilang 2004 program sa ilalim ng bagong pangalang National Basketball Conference (NBC).

"We have no quarrel with the BAP," pahayag ni NBC secretary-general Tito Palma. "BAP owns NBL and we have to follow it’s order for us not to use it anymore."

Ngunit mananatili pa ring regional cagefest ang NBC, ayon kay Palma. "We will have a more vigorous, sustainable program. In fact, we are opening the new year by staging the Panasonic Sinulog Invitational Cup tournament on January 20-25 in Cebu City."

Tinatayang pitong koponan ang lalahok sa cagefest na kinabibilangan ng top four amateur teams sa nakaraang Regional Conference. Ito ay ang champion na Compak/Shineway-Ozamiz, M Lhuillier-Cebu, Spring Cooking Oil-San Pablo at ang Ilocos Sur Snipers na sasamahan ng dalawang foreign teams na manggagaling sa mga inimbitahang bansang Indonesia, Korea at Hong Kong bukod pa sa isang guest team.

Ang apat na local teams ay papayagang kumuha ng isang import.

Pagkatapos ng Panasonic Sinulog Invitational, magho-host si San Pablo City Mayor Florante ‘Boy’ Aquino ang ikalawang torneo ng NBC na Seven Lakes Invitational Cup sa Pebrero 12-15 sa Aquino Stadium.

Ang mga malalaking torneo ng NBC ay ang National Conference na gaganapin sa Marso at sa October naman ang Regional Conference.

vuukle comment

AQUINO STADIUM

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBU CITY

HONG KONG

ILOCOS SUR SNIPERS

M LHUILLIER-CEBU

NATIONAL BASKETBALL CONFERENCE

NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

NATIONAL CONFERENCE

REGIONAL CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with