^

PSN Palaro

Gabica nakalusot

-
Nakabangon ang back-to-back Tokyo 9-Ball champion na si Antonio ‘Gaga’ Gabica mula sa bingit ng pagkatalo nang umatake ito sa huling limang racks upang pabagsakin ang tubong Sultan Kudarat na si Godofredo ‘Boy’ Ducanes, 5-3 kahapon sa ‘Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinson’s Malls.

Bunga ng panalo, umusad si Gabica sa kanyang ikawalong sunod na appearance sa susunod na linggo bilang featured cue artist sa event na ito.

Bahagyang nakaramdam si Gabica ng panlalamig sa kanyang mga tira nang ipamalas ni Ducanes, ang 1998 Davao Billiards Cup champion na mas kilala sa taguring ‘Pusang Itim’, dahil sa kanyang taglay na bilis nang kanyang kunin ang 2-1 kalamangan sa labang ito na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinson’s Malls at Rommel’s Billiards--ang opisyal na lamesa.

Ngunit nagawang mabawi ni Gabica ang kanyang composure nang umiskor sa break ni Ducanes sa ikaapat na rack upang itabla ang laban sa 2-all at kinuha ang susunod na dalawang racks upang itarak ang 4-2 kalamangan.

Maaga sanang natapos ni Gabica ang laban, ngunit gumawa ito ng kamalian nang sumablay ang No. 9 ball.

Nauna rito, nauwi naman sa 2-2 pagtatabla ang kanyang laban kontra sa 2003 Mandaluyong Cup Billiards champion na si Emil dela Paz dahil sa kawalan ng oras.

vuukle comment

BAHAGYANG

BILLIARDS PLAYER

BUNGA

DAVAO BILLIARDS CUP

DUCANES

GABICA

MANDALUYONG CUP BILLIARDS

PUSANG ITIM

SULTAN KUDARAT

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with