^

PSN Palaro

FedEx may import na para sa PBA Fiesta Cup

-
Determinado na masungkit ang kauna-unahang kampeonato sa PBA, may napili ng import ang FedEx para sa Fiesta Cup na magsisimula sa Pebrero 22.

Inaasahang darating anumang araw mula ngayon si Alvin Jefferson, isang slam dunk champion, upang agad na makapag-ensayo sa bubuuing koponan ni FedEx coach Bonnie Garcia matapos maka-pamili sa 2004 Draft.

Kilala na ni Garcia si Jefferson dahil nakita na niya itong maglaro nang maging assistant coach siya ni Darryl Dawkins sa Pennsylvania Valley Dawgs sa USBL. Nakalistang 6’9 si Jefferson.

"Malakas maglaro si Jefferson. Very athletic and very talented," ani Garcia na umaasang mabubuo ang bata, matangkad at mabilis na lineup na katulad sa prinsipyo ng FedEx owners.

Si Jefferson na papasa sa 6’8 height limit sa Fiesta Cup ay hinati ang paglalaro ng college ball sa Macon Junior College at University of Auburn. Nag-debut ito bilang professional sa Switzerland noong 1997-98 sa Coosanay at lumipat sa Austria para maglaro naman sa Burswood. Mula dito, sumapi naman siya sa Wasserbiulig sa Luxembourg.

Noong 1998-99, naglaro din ito sa Luxemburguese All-Star Game at nanguna sa Slam Dunk competition.

Winakasan ng FedEx ang kanilang 2003 nang ipamigay nila sa Talk N Text si Yancy de Ocampo, kapalit ng first round sa 2004 Draft. Naghahanap na rin ang Express na kukuha kay Vergel Meneses na ang kapalit din ang first round pick.

Kapag nagtagumpay ang FedEx sa pamimigay kay Meneses, magkakaroon ng apat na first rounders sa Draft. Sa kasalukuyan, hawak ng FedEx ang ikatlo at ikaapat na picks. Ang ikatlong pagpili ay kanilang nakuha sa Barangay Ginebra sa isang trade na naganap sa kanila na kinasasangkutan ni Eric Menk may dalawang season na ang nakakalipas.

ALVIN JEFFERSON

BARANGAY GINEBRA

BONNIE GARCIA

DARRYL DAWKINS

ERIC MENK

FIESTA CUP

GARCIA

LUXEMBURGUESE ALL-STAR GAME

MACON JUNIOR COLLEGE

PENNSYLVANIA VALLEY DAWGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with