Hindi ako ang nanapak - Pacquiao
January 4, 2004 | 12:00am
Itinanggi ni boxing superstar Manny Pacquiao na kasama siya sa mga gumulpi sa isang gatecrasher kahapon ng madaling araw sa isang birthday party sa General Santos City.
"Hindi ako nanuntok," mariing pagtanggi ni Pacquiao kahapon sa L&M Gym sa Sampaloc, kung saan ginanap ang Christmas Party ng mga boxers at trainers. "Hindi ako kundi ang mga tao na nakakita sa mga ginawa niya."
Sinabi ni Pacquiao na si Ricky Teves, 25, ang nagsimula ng gulo matapos itong magtapon ng bote ng beer sa direksyon ng kanyang asawa na si Jinkee.
"Nang makita ng mga tao ang ginawa ni Teves ay agad nilang pinagtulungan si Teves na agad naman dinala sa police station na malapit lang doon sa pinangyarihan," dagdag pa ni Pacquiao.
"Pinagsabihan ko pa nga yung tao habang nasa police station na pag siya ay iinom ay huwag niyang dalhin ang epekto ng alak sa ulo kundi sa kanyang tiyan para walang gulo," wika ng pambato ng bansa sa featherweight division.
Ayon sa report ay kasalukuyang nasa pagamutan pa si Teves bunga ng panggugulpi.
Ngunit sinabi ni Pacquiao bago ito lumipad patungong Maynila na kausap pa niya si Teves sa istasyon ng pulis at sinabihan ito na huwag nang ulitin ang ginawa.
Habang nasa Maynila ay dadaluhan ni Pacquiao ang annual awards night ng PSA sa Enero 9 sa Manila Pavilion. At bago ito ay sasabak sa mga commercial shooting ang kampeon.
Sa Enero 12 o 13 na-man ay lilipad patungong US sina Pacquiao at busi-ness manager Rod Nazario upang makipag-meeting sa mga executives ng HBO hinggil sa mga susunod niyang mga laban.
Samantala, sinabi rin ni Pacquiao na wala siyang problema sa tina-tanggap niyang share sa mga premyo sa mga laban.
"Happy ako sa share ko sa mga kinikita ko sa ring," wika ni Pacquiao.
Tinapos ni Pacquiao ang isang linggong pananahimik nang dumating ito sa Maynila kahapon mula sa Gen San.
Naglabasan ang mga reports sa dyaryo na hindi umano kuntento si Pacquiao sa kanyang mga premyo dahil sa patuloy na pakikialam ni US promoter Murad Muhammad sa kanyang mga laban sa Amerika.
"Kuntento ako sa aking tinatanggap," dagdag pa ni Pacquiao na inaasahang sasabak muli sa buwan ng Abril. (Ulat ni JMM)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended