^

PSN Palaro

Makalapit sa semis asam ng Blu sa PBL Platinum Cup

-
Tangka ng Blu Star Detergent na makalapit sa semifinal round ng PBL Platinum Cup sa pagpapatuloy ngayon ng aksiyon sa Pasig Sports Center.

Makakaharap ng Blu Star ang Viva Mineral Water sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng Fash Liquid Detergent at Montana Pawnshop sa dakong alas-4:00.

Okupado na ang una sa apat na slot sa semifinal round. Ang mga nakakasiguro na sa semis ay ang Welcoat Paints at ang Sunkist-UST.

Ang Paint Masters ang may pinakamataas na record na 8-2 win-loss slate habang ang Sunkist Tigers ay may 7-4 kartada.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Blu Star na may 6-4 record kasunod ang Liquid Power at ang Jewelers na tabla sa 4-5 win-loss slate.

Sa dalawang natitirang semis slot, apat na koponan pa ang naglalaban-laban. Ang Blu Star ang may malaking tsansa habang ang nanga-nganib ay ang Viva Mineral na may 3-6 win-loss slate.

Sa pamamagitan ng pana-lo ng Blu Star, makakatabla nila sa ikalawang puwesto ang Sunkist at isang panalo pa ang kanilang kailangan para maipormalisa ang pag-usad sa Final Four.

Dahil sa mababang record, kailangang ipanalo ng Water Force ang huling natitirang asignatura. Inspirado ang Viva sa kanilang two game winning streak para makabawi sa 67-70 pagkatalo sa Blu Star noong Nob. 25. (Ulat ni CVOCHOA)

vuukle comment

ANG BLU STAR

ANG PAINT MASTERS

BLU STAR

BLU STAR DETERGENT

FASH LIQUID DETERGENT

FINAL FOUR

LIQUID POWER

MONTANA PAWNSHOP

PASIG SPORTS CENTER

PLATINUM CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with