Vergel Meneses, balak i-trade ng FedEx
January 3, 2004 | 12:00am
Umugong ang balita kahapon na inilagay ng FedEx Express sa trading block ang kanilang star player na si Vergel Meneses.
Ayon sa mapapagkatiwalaang source, sinisikap ng Express na makipagkasundo sa Red Bull kahapon para maipasa si Meneses.
Idinagdag ng impormante na itrini-trade ng Express si Meneses dahil hindi na nila ito mabibigyan ng malaking playing time.
Itinanggi naman ni FedEx team manager Lito Alvarez ang balitang ito kayat may indikasyon na si Meneses ang may gustong lumipat sa ibang team
Sinikap din ng FedEx na hilingin si Homer Se sa Barakos kapalit ni Meneses at first round draft pick, ngunit hindi ito kinagat ng huli.
Kasalukuyang nagne-negosasyon ang FedEx at ang Red Bull para kay Meneses gayundin para kay Se. Kung walang mapagkakasunduan ang magkabilang panig, inaasahang iaalok ng Express si Meneses sa ibang teams.
Bagamat walang ibinigay na dahilan ang FedEx sa kanilang pagtre-trade kay Meneses, sinabi ng impormanteng nais ni Meneses na magkaroon ng mas malaking playing time na di maibibigay ng coaching staff dahil gusto ng management na makapaglaro ang lahat ng kanilang players sa roster.
Ang FedEx, ay mayroon nang apat na first round picks sa darating na draft sa Enero 16 sa Glorietta Activity Center at posible itong madagdagan kung papayag ang Red Bull na ibigay ang kanilang No. 6 pick.
Samantala, tatlong pangunahing Fil-Am points guard ang pinagkakaguluhan ng ilang team para sa nalalapit na PBA Draft sa Enero 16.
Ang tatlong Fil-Am draftees ay sina Kim Valenzuela, Denver Lopez at Nicholas Joseph Fasano na pawang may hawak ng mga magagandang kredentiyal.
Samantala, dalawang araw na ang nakalipas sa bagong taon at dalawang linggo na lamang ang natitira bago sumapit ang televised annual draft ngunit hindi pa rin ihinahayag ng PBA ang kanilang bagong TV coveror para sa 2004 season.
Dahil dito, umaasa ang NBN-4, na mananatili pa rin sa kanila ang TV rights ngunit may malaking indikasyon na ipapasa na ng PBA ang TV coverage sa ABC-5. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended