^

PSN Palaro

Iraq, Iran kasama sa 22nd Asian Boxing First Qualifying

-
Kapwa kinumpirma ng Iraq at Iran ang kanilang pagsali sa 22nd Asian Boxing First Olympic qualifying na nakatakda sa Enero 10-18 sa Puerto Princesa City Coliseum.

At habang isang ma-gandang balita ang pagpasok ng Iraq, ang bansa na nasa proseso pa rin na makabangon mula sa mapangwasak na giyera, ang Iran na nakipag-digmaan sa Iraqis noong 80’s, hinihintay din ni ABAP president Manny Lopez ang kumpirmasyon ng Afghanistan at East Timor.

Tulad ng Iraq, ang Afghanistan at East Timor ay bumabangon pa rin mula sa sugat na dulot ng giyera na sumira sa buhay at ekonomiya nila.

‘‘Indeed, sports is a bridge towards normalcy, friendship and future cooperation among the various countries in the world. In behalf of the organizers and ABAP, I would like to welcome the Iraqi national boxing team in the qualifying,’’ ani Lopez.

May dalawampu’t apat na puwesto ang nakataya para sa 2004 Athens Olympics sa naturang qualifying. Dalawa pang Asian quali-fyings sa China at Pakistan ang itatanghal ngayong taon.

Sinabi nina Palawan Governor Joel Reyes at Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na tulad ng iba pang competitors mula sa hindi baba sa 25 bansa, pakikitunguhan din ng maganda ang Iraq.

Sinabi din ng dalawa na handa na ang kanilang lugar sa matagumpay na pagtatanghal ng torneo sa bansa na tinaguriang ‘‘Last Frontier.’’

Ang Iraq delegation ay binubuo nina Najah Salah, Majid Gaitan, Jassim Meshali, Imad Saeed, Wisam Intisar, Zuhair Kudhair, Fajah Hassan, Ahmed Khalil at Mohd Ghalib at dagdag ang international referee, interpreters at officials ng Iraqi Boxing Federation. Kinumpirma din ang kanilang pagsali sa torneong itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Accel, Revicon at Pacific Heights, ang national team ng Pakistan at dalawang team mula sa Korea.

Ang Iran ay babanderahan naman nina Saeed Ghorbanzadeh, Mojtaba Faraji, Akbar Ahadi, Morteza Yag-hobloo, Mohammad Asheri, Reza Ghesemi, Homayoon Armiri, Hosein Hajikani, Moham-mad Reza Nooshmesheri.

Ipaparada naman ng Thailand ang team na kumubra ng karangalan sa Vietnam SEA Games na sina Suban Pannon, Somjit Jonhjohor, Choti-pat Wongprates, Sutthisak Samaksaman, Pichai Sayota, Manus Boonjumnong, Manon Boonjumnong, Somchai Chilum at Pornchai Thongburan.

AHMED KHALIL

AKBAR AHADI

ANG IRAN

ANG IRAQ

ASIAN BOXING FIRST OLYMPIC

ATHENS OLYMPICS

EAST TIMOR

FAJAH HASSAN

HOMAYOON ARMIRI

HOSEIN HAJIKANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with