^

PSN Palaro

Cycling abala sa 2004

-
Pagpasok pa lamang ng taong 2004, abala na ang cycling kung saan dalawang major regional mountain bike championships ang pupukaw ng pansin sa idaraos na 2004 Tour Pilipinas sa Marso at ang muling pagbuhay ng national open sa huling bahagi ng nasabing taon.

Ayon kay Bert Lina, presidente ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling, hindi lang iisa ang iho-host ng bansa kundi dalawang major regional mountain bike (MTB) championships--Ang Asian at ang inagurasyon ng Southeast Asian MTB.

Nakatakda ang Asian MTB, ang annual mountain bike cham-pionships na nilahukan ng mahigit sa 200 world-class riders mula sa hindi rin bababa sa 20 Asian countries sa September, ang na-sabi ring buwan na muling bubu-hayin ng PhilCycling ang national cycling open na huling itinakda noong 1993 sa Iloilo.

Hindi pa inihayag ng Phil-Cycling kung saan lugar idaraos ang Asian MTB, ngunit ito ay bukas para sa sinumang local government unit na ibig maging punong abala ng nasabing meet.

Sa ngayon, nagpahayag ng kanilang interes ang Danao sa Cebu at Puerto Princesa City na maging punong abala sa Asian MTB na tatampukan ng month-long cycling activity.

Ang national cycling open ay binubuo ng track races sa Amo-ranto Velodrome sa Quezon City, road at national MTB races sa nasabi ring venue.

Idaraos rin ng Asian MTB ang national cycling congress at ito ay pawang gaganapin sa September.

ANG ASIAN

ASIAN

BERT LINA

CYCLING

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

MTB

PUERTO PRINCESA CITY

QUEZON CITY

SOUTHEAST ASIAN

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with