Tampok sa group 2 tournament ang siyam na events--boys and girls 18-years and under, 16 and under, 14 and under, 12 and under at unisex 10 and under ang paglalabanan mula sa Enero 3 hanggang 9.
Masusubukan ang top Filipino netters hindi lang ng kani-kanilang mga kababayan, gayundin ng mga Japanese players na nakatakdang lumipad ngayong linggo mula sa Hiyoga, Japan.
Ang mga tenistang hapon ay babanderahan nina Kyouhei Kutsu-nagi, Taiki Katoh, Tashiya Suzuki at Kenji Fukuda sa boys division at ang mga girls campaigners ay sina Mina Ishida, Chihiro Abe, Aoi Uchinaka at Naorizo Ushuman.
Mangunguna naman sa kampanya ng bansa sa boys 18-and-under 1 & 2 ay sina Irwin de Guzman at Yannick Guba at sa boys 16-and-under ay sina Nestor Celestino Jr., at Arithmetico Lim. Sa kaba-baihan naman kakampanya sina Czarina Mae Arevalo at Catherine Flores sa 18-and-under at Bien Zoleta at Ivy de Castro sa 16 & under.
Ang iba pang netters sa ibat ibang division sa boys14 & under campaigners ay sina Daniel Luis Macalino at Pablo Olivarez II at 12 & under top netters Patrick Arevalo at Gerard Michael Ngo, girls 14 & under.