^

PSN Palaro

Tennister muling magtitipon

-
Muling magtitipon-tipon ang mga mahuhusay na age-group cam-paigners ng bansa sa Rizal Memorial Tennis Center ngayong linggo kung saan bubuksan ng Philippine Tennis Association ang kanilang unang event sa abalang 2004 kalendaryo ang 15th Andrada Cup.

Tampok sa group 2 tournament ang siyam na events--boys’ and girls’ 18-years and under, 16 and under, 14 and under, 12 and under at unisex 10 and under ang paglalabanan mula sa Enero 3 hanggang 9.

Masusubukan ang top Filipino netters hindi lang ng kani-kanilang mga kababayan, gayundin ng mga Japanese players na nakatakdang lumipad ngayong linggo mula sa Hiyoga, Japan.

Ang mga tenistang hapon ay babanderahan nina Kyouhei Kutsu-nagi, Taiki Katoh, Tashiya Suzuki at Kenji Fukuda sa boys’ division at ang mga girls’ campaigners ay sina Mina Ishida, Chihiro Abe, Aoi Uchinaka at Naorizo Ushuman.

Mangunguna naman sa kampanya ng bansa sa boys’ 18-and-under 1 & 2 ay sina Irwin de Guzman at Yannick Guba at sa boys’ 16-and-under ay sina Nestor Celestino Jr., at Arithmetico Lim. Sa kaba-baihan naman kakampanya sina Czarina Mae Arevalo at Catherine Flores sa 18-and-under at Bien Zoleta at Ivy de Castro sa 16 & under.

Ang iba pang netters sa iba’t ibang division sa boys’14 & under campaigners ay sina Daniel Luis Macalino at Pablo Olivarez II at 12 & under top netters Patrick Arevalo at Gerard Michael Ngo, girls 14 & under.

ANDRADA CUP

AOI UCHINAKA

ARITHMETICO LIM

BIEN ZOLETA

CATHERINE FLORES

CHIHIRO ABE

CZARINA MAE AREVALO

DANIEL LUIS MACALINO

GERARD MICHAEL NGO

KENJI FUKUDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with