^

PSN Palaro

Record ng Pinay Trios hindi dapat baliwalain

-
Ang mga bata, mahuhusay at magagandang bowlers na ito ay pawang nagwagi sa sarili nilang paraan. At hindi na sorpresa sa tatlo sa kanila na magtagumpay.

At sa final quarter ng 2003, nagawa nina Liza del Rosario, Liza Clutario at Cecille Yap ang hindi nagawa ng ibang Filipino o Asian players ang nasabing tagumpay sa nakalipas na 20-taon nang kanilang isubi ang record-breaking fashion na gintong medalya sa women’s trios ng World Tenpin Bowling (FIQ) championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dalawang meet re-cords ang naitumba ng mga Pinay nang magpa-malas ito ng agresibong performance.

Nagpasabog ng pinagsamang 2,062 pinfalls sa final na three games, binasag nina del Rosario, Clutario at Yap ang dating marka na 1,954 na nai-poste ng Japan noong 1999. Hindi lang dito natatapos, ang kanilang 3, 797 kabuuang iskor na pawang sa lahat ng anim na games ang sumira sa mata-gal ng world standard na 3,782 na naitala ng Korean trio noong 1999 rin.

At hindi pa rin ito sapat, pinahanga ni Clutario, ang pinakabata sa tatlo sa edad na 24 ang lahat nang mag-wagi siya ng silver medal sa women’s masters at nagdagdag pa ng bronze sa wo-men’s all-event.

At ang kanilang impre-sibong performance ang naglagay sa trios sa ikatlong puwesto sa overall sa women’s class sa likod ng England at Amerika.

At ito ang dahilan upang ang tatlong babae ay nagkakakaisang gawaran ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang pina-kamatandang media sports organization sa bansa ng award sa gaganaping Annual Awards Night sa Enero 9 sa Manila Pavilion.

Ang tatlo ay tatanggap ng individual award.

Pinagkalooban ang Ateneo Blue Eagles ng nasabing award noong nakaraang taon makaraang wakasan ang 14-taon nilang tagtuyot sa University Athletic Association of the Philip-pines (UAAP) men’s basket-ball tournament.

Kasama ang boxing sensation na si Manny Pacquiao at bowling wonder na si Christian Jan Suarez, ang dalawa ay pararangalan bilang co-Athletes of the Year, ang pararangalan rin sa dalawang oras na sere-monya na itinataguyod ng Red Bull at Agfa Colors at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Com-mittee (POC), Mayor Lito Atienza, San Miguel Corp. at ng Philippine Basketball Association.

Walang iba kundi ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang First Gentleman na si Mike Arroyo ang inaasahang dadalo sa nasabing pagtitipon at maggagawad ng award sa mga nabanggit na ipalalabas ng NBN-4 kasama ang amateur cager na si Alex Compton at Lala Roque ang hosts.

AGFA COLORS

ALEX COMPTON

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETES OF THE YEAR

CECILLE YAP

CHRISTIAN JAN SUAREZ

CLUTARIO

FIRST GENTLEMAN

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with