Ayon kay Lito Alvarez, pangulo ng Air21, na nag-mamay-ari ng prangkisa na ang desisyon na ipamigay si de Ocampo ay isang mahirap na desisyon lalo nat naging malaki ang naging bahagi ni de Ocampo sa Express.
"But it had to be done. we believe it is to the best interest of both teams-- and of Yancy-- that we consummate this trade," ani Alvarez.
"We feel that Yancy will blossom more as a player under TNT system of coach Joel Banal. At the same time, we know we will benefit greatly if we can grab another first round pick in the coming draft," dagdag ni Alvarez.
Ang Express ay may pick No. 3 at No. 4 sa Enero 16 Draft, at 9th overall, mula naman sa Phone Pals. Umaasa si Alvarez na magiging panibagong simula ito sa malaking pagbabago ng Express.
"Eight national players have entered the list, and with three picks in the first round, we are assured of three national players," ani Alvarez na tinutukoy ang mga pangalan nina Rich Alvarez, Jean Marc Pingris at Ervin Sotto bilang mga posibleng pagpipilian.
Nalungkot si de Ocampo sa desisyon ng management nang maki-pagkita ito kay Alvarez ngunit bilang isang tunay na pro maluwag namang tinanggap nito na maaring magbigay sa kanya ng mas magandang oportunidad.
"Ang sa akin lang kasi, panibagong pakikisama na naman. Sa Express kasi, maganda na ang samahan at bonding namin. But I have to look at it in a positive light and I welcome the new challenge," ani de Ocampo, na nakatakdang makipagkita kay TNT owner Manny Pangilinan upang pag-usapan ang kanyang papel sa Phone Pals.
Sinabi din ni Alvarez na ang trade kay de Ocampo at ang nalalapit na draft ay maaring maging maganda sa kampanya ng Express sa 2004. Ang Philippine national team na pina-lakas ng core players nina Express John Ferriols, Ryan Bernardo at Danilo Capobres ay nagwagi sa 2003 edition ng Sheng Chenggong Cup sa Nanan City, China.