Wish ko lang sana...
December 30, 2003 | 12:00am
Papasok na ang taong 2004 at isang panibagong pahina na naman ang magsisimula sa ating buhay.
Marami akong wish na hindi lamang sa personal kong buhay kundi higit sa lahat sa sports dito sa ating bansa.
Wish ko sana matapos na ang problema sa pagitan ng mga nag-iiringang NSA leaders.
Wish ko rin sana simulan na nating paghandaan ang pagho-host sa 2005 Southeast Asian Games upang pansa-mantalang matabunan ng tagumpay ng sports ang mga hindi magandang nangyayari sa ating pamahalaan.
Wish ko rin sana iwanan na ng pulitika ang sports na hindi naman nakatulong kundi nakasama pa para sa sports.
Wish ko rin na sana makabangon na ang Philippine Basketball Association sa hindi magandang kapalaran.
Wish ko rin, sana umangat ang mga career ng mga home-grown talent sa basketball upang tuluyan ng makalimutan ang mga hindi magagandang isyu tungkol sa mga Fil-foreign players.
Wish ko rin, sana magkasundo na sina POC president Celso Dayrit at PSC chairman Eric Buhain. Huwag na sana silang magbangayan pa. Dapat na magkasundo at magka-hawak ang mga kamay para sa ikauunlad ng sports sa ating bansa.
Wish ko rin sana, huwag magbabago si Manny Pacquiao, dahil noong mga nakaraang taon medyo negatibo ang mga lumalabas sa kanya. Huwag sanang umabot sa loob ng kanyang ulo ang kanyang tagumpay dahil kailangan ng ating bansa ang mga tulad niyang nagbibigay karangalan sa ating bansa.
Wish ko rin, sana pagtuunan ng pansin ang mga sports na magbibigay ng karangalan sa ating bansa at huwag na lamang puro basketball na tila magiging paboritong pasttime na lamang ng mga Pinoy. Bigyan pansin natin ang bowling, billiards, athletics, cycling, taekwondo at iba pang martial arts sports na puwede tayong magningning.
Wish ko rin sana, maging pantay-pantay na ang pagtingin ng lahat ng mga tao. Mayaman man o mahirap. Nasa tabloid ka man o broadsheet.
At higit sa lahat, wish ko na sana maging mapayapa at masagana ang taon ng 2004 sa ating lahat.
Happy New Year!!!!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am