Tigasing netters pinigil ng mga walang ranggo
December 29, 2003 | 12:00am
Pinigil ng mga walang ranggong tenista na sina Ace Matias at El Santo Santos ang mga tigasing netters sa kani-kanilang division kahapon sa pagpapatuloy ng Milo Junior Tennis Cup sa Ynares Sports Center claycourts sa Pasig.
Ginapi ni Matias si Noel Agra, 6-1, 6-1 upang umusad sa unisex 10-under bracket kasama sina Deo Talatuyod na bumokya naman kay Kevin Mamawal, 6-0, 6-0 at Kyle Cordero na umiskor ng 6-2, 6-2 panalo kontra kay Tim Polero.
Sa unisex boys 14-under class, umahon si Santos mula ilalim upang iposte ang come-from-behind na 4-6, 7-5, 6-3 panalo kontra kay Marvin Serito at makasama sa susu-nod na round sina Patrick Arevalo na nagpayukod naman sa kalabang si Juke Alban, 6-4, 6-3.
Ang iba pang nagtala ng panalo sa nasabing age group category ay sina Jopy Mama-wal na humatak naman ng 6-2, 6-3 panalo kontra sa pabo-ritong si Mark Balce sa year-ender Milo netfest na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Adidas at NBN-4 Sunday TV show Sports Kids na may Philta sanction.
Ang iba pang nagsipag-usad sa susunod na round ay si Nestor Celestino sa boys 18-under division na nakalusot kay Jandrick de Castro, 7-5, 6-3.
Naunang ginapi nina Celestino at de Castro sina Ernest Reyes, 6-0, 6-0 at Alex Coyco, 6-1, 6-0, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended