Tugot, Arda pararangalan din ng PSA
December 29, 2003 | 12:00am
Dalawa sa local living legends sa larong golf na sina Celestino Tugot at Ben Arda ang pararangalan sa Holiday Inn-Manila Pavilion.
Ang ipinamalas na tagumpay nina Tugot at Arda hindi lamang ang nagpasikat sa mga Filipino golfers kundi sa Asians mismo sa kanilang kapanahunan sa mga nilahukang tournament sa labas ng bansa, lalo na sa Asian Circuit kung saan ang dalawa ay dumausdos patungo sa kani-lang katanyagan.
Ang 89-anyos na si Tugot, nakaligtas sa isang aksidente sa bangka sa kanyang kabataan ay tinanghal na isa sa greatest Filipino golfers of all time.
Siya ay isang six-time champion ng Philippine Open, isa sa pinakamatandang professional tournaments sa Asia kabilang ang kanyang apat na sunod na panalo mula noong 1955. Bukod dito, lumahok din ito sa US Masters kung saan naihulma rin ni Tugot ang kanyang mismong sarili bilang dominanteng player sa local circuit.
Ginawa namang inspirasyon ni Arda si Tugot upang pamunuan ang susunod na henerasyon ng golfing stars mula sa Philippines.
Mula sa pagiging ball boy at caddie sa Cebu Country Club, siya ay nag-pro makaraan ang ikalawang digmaang pandaigdig.
At sa kaagahan ng dekada 60s, nagtala si Arda ng malaking panalo nang kanyang maisubi ang una sa dalawa niyang tatlong RP Open titles noong 1961 at 1963.
At sa kabila ng kanyang kaliitan sa sukat na 5-foot-5, ang kanyang abilidad sa pagharap sa mga malalaking tao ang nagbigay sa kanyang ng palayaw na Bantam Ben na naging mas tanyag nang maging kauna-unahang Filipino na lumaro sa British Open at US Masters.
Nakopo rin ni Arda ang Japan Open na nagbigay sa kanya ng $25,000 at ng Datsun car na siyang pinakamalaking tagumpay sa local pro sa labas ng bansa at ang kanyang pagiging runner-up finish kay Rudy Labares sa World Cup of Golf na ini-host ng Wack Wack noong 1977 ay nanatiling hindi pa rin napapantayan hanggang ngayon.
Samantala, muling makakasama ng PSA ang dala-wang matagal ng kapartner ng organisyon ang Red Bull sa pamamagitan ng kanilang mother company na Photokina sa pagbibigay ng parangal kina boxing sensation Manny Pacquiao at bowling hero CJ Suarez bilang co-Athletes of the Year.
Ang nasabing event ay ipalalabas sa NBN4, ang isa pang palagiang partner, ng PSA sa araw ng parangal.
"We are always happy to be partners with the PSA, especially in an event like this, where we honor the best of the best in Philippine sports," ani Photokina owner at sports patron George Chua.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended