Sumandal ang Ateneo kay JV Dumrique na humakot ng 27-puntos at kay Biboy Reyes na tumapos naman ng 24 upang ilampaso ang SBPPA, 145-52 habang walang awang pinadapa ng La Salle A ang sister team na La Salle B, 106-46.
Nagtulong sina Nico-las Salva at Matthew Sia para sa 42 puntos upang pamunuan ang Archers na haharap sa karibal na Blue Eagles sa kapana-panabik na alas-3 ng hapong engkuwentro.
Magsasagupa rin ang Benedictine International School at San Beda sa kanilang sariling title clash sa alas-4:30 ng hapon sa torneong ito na suportado ng mga produkto ng San Miguel na Magnolia, Purefoods-Hormel, Monterey, Cali, B-Meg, Philippine Beverage Partners Inc., FunChum at Viva.
Si John Foronda ay may 29-puntos habang si Mykee Victorino ay may 16 nang pasadsarin ng Benedictine ang Harrys Up 1, 74-66 habang si James Martinez at Jay-R Tabanas ay nagtala naman ng 25 at 23 puntos ayon sa pagkakasunod nang kanilang pamunuan ang San Beda sa 95-88 panalo kontra sa Harrys Up 2.
Darating si PSC Chairman Eric Buhain at iba pang special guest para i-award ang Most Valuable Player, Most Promising Player at Mythical Team members.
Kasama ni Buhain sina Fourtime PBA MVPs na sina Mon Fernandez at Alvin Patrimonio bukod pa kina Hector Calma at Ato Agustin kasama ang ilang miyembro ng San Miguel All Star squad.