^

PSN Palaro

Ateneo vs La Salle sa SMC Holiday Hoop Finals

-
Nagtala ang Ateneo at La Salle A ng magkahiwalay na panalo upang itakda ang kanilang showdown para sa 13-under crown habang magsasagupa naman ang Benedictine International School at ang kapatid na kumpanyang San Beda sa 16-under finals ng San Miguel Corporation Holiday Hoop Challenge ngayon sa La Salle Greenhills sa San Juan.

Sumandal ang Ateneo kay JV Dumrique na humakot ng 27-puntos at kay Biboy Reyes na tumapos naman ng 24 upang ilampaso ang SBPPA, 145-52 habang walang awang pinadapa ng La Salle A ang sister team na La Salle B, 106-46.

Nagtulong sina Nico-las Salva at Matthew Sia para sa 42 puntos upang pamunuan ang Archers na haharap sa karibal na Blue Eagles sa kapana-panabik na alas-3 ng hapong engkuwentro.

Magsasagupa rin ang Benedictine International School at San Beda sa kanilang sariling title clash sa alas-4:30 ng hapon sa torneong ito na suportado ng mga produkto ng San Miguel na Magnolia, Purefoods-Hormel, Monterey, Cali, B-Meg, Philippine Beverage Partners Inc., FunChum at Viva.

Si John Foronda ay may 29-puntos habang si Mykee Victorino ay may 16 nang pasadsarin ng Benedictine ang Harry’s Up 1, 74-66 habang si James Martinez at Jay-R Tabanas ay nagtala naman ng 25 at 23 puntos ayon sa pagkakasunod nang kanilang pamunuan ang San Beda sa 95-88 panalo kontra sa Harry’s Up 2.

Darating si PSC Chairman Eric Buhain at iba pang special guest para i-award ang Most Valuable Player, Most Promising Player at Mythical Team members.

Kasama ni Buhain sina Fourtime PBA MVP’s na sina Mon Fernandez at Alvin Patrimonio bukod pa kina Hector Calma at Ato Agustin kasama ang ilang miyembro ng San Miguel All Star squad.

ALVIN PATRIMONIO

ATENEO

ATO AGUSTIN

BENEDICTINE INTERNATIONAL SCHOOL

BIBOY REYES

BLUE EAGLES

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

HECTOR CALMA

LA SALLE A

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with