Artadi,Cuan may paglalagyan sa PBA
December 28, 2003 | 12:00am
Habang nakatuon ang pansin ng mga koponan sa malalaking tao sa 2004 PBA Draft na nakatakda sa Enero 16, tila nakakasiguro naman sina point guards Paul Artadi at Mac Cuan na mapipili at maka-kapirma.
si Artadi, na naglaro ng kanyang pinal na season sa UAAP sa University of the East ay hindi bababa sa pampitong overall pick na pag-aari ng Sta. Lucia Realty na may interes sa kanya.
Alam ni coach Alfrancis Chua na kailangan ng kanyang koponan ang isang lehitimong point guard na magpapagaan sa balikat ni Paolo Mendoza, na isang shooter. Kung magtatagumpay ang Realtors na makuha si Artadi, kailangang pakawalan ni Chua ang alinman kina Chito Victolero o Jason Webb.
Sa kabilang dako naman si Cuan ay minamataan naman ng Purefoods TJ Hotdogs. Sinabi ni coach Paul Ryan Gregorio na kukunin nila si James Yap bilang No. 2 pick overall kung ang Shell Velocity na may hawak ng top pick ay lalaktaw kay Yap. At sa ikalawang round (12th overall) kukunin naman ng Purefoods si Cuan.
Kailangang-kailangan ng Hotdogs ang isang mahusay na point guard ngayong season dahil sina Noy Castillo at Gilbert Demape ay higit na maaasahan sa shooting habang nasa injured list naman si Teodorico Fernandez III.
Natapos na ang panahon ng Hotdogs sa pagkakaroon ng mahusay na point guard at higit sanang maganda ang kanilang performance kung mayroon sila nito. Katunayan, maraming manonood ang nagsasabing hindi dapat nagretiro si Ronnie Magsanoc dahil puwede pa nitong gampanan ang dalawang papel bilang playing assistant coach.
Sina Artadi, Cuan at Yap ay magkakasama sa Welcoat House Paints na siyang kasalukuyang lider sa PBL Platinum Cup. Ang Paint Masters na nakasiguro ng semifinals berth ang may pinakamaraming players na sasali sa PBA Draft.
Kasama na riot sina Ervin Sotto, Nelbert Omolon, Willie Wilson at malamang pati na rin si Marc Pingris. (Ulat ni AC Zaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended