Walang samaan ng loob!
December 27, 2003 | 12:00am
Ngayong mga panahong ito ay natural na maglutangan ang mga balita hinggil sa trades ng mga manlalaro sa PBA, may existing contracts man sila o wala. Tapos na kasi ang season at pinaghahandaan ng mga koponan ang susunod na "giyera."
Natural na bawat koponan ay naghahangad na mapaganda ang kanilang line up at mag-improve sa susunod na taon. Hindi komot nagkampeon ang isang team ay hindi na nito gagalawin ang line-up. At lalo namang dapat na galawin ng isang koponang sumadsad ang kanyang line-up upang makabangon!
So, maraming exploratory talks na nagaganap, maraming balitang pinalulutang dahil baka nga naman may kumagat at magkatuluyan ang palitan.
Sa ganang amin, natural lang iyan. Ganyan ang kalakaran ng buhay kapag off-season ang PBA.
At natural ding may mga nagsisintir kapag nabasa nila ang pangalan nila bilang trade bait. O kayay marinig nila sa mga kaibigan na iniisip ng kanilang koponan na ipamigay sila.
Sa tutoo lang, hindi komot handang ipamigay ng isang team ang isang manlalaro ay wala na siyang silbi. Hindi ganoon iyon!
Kaya nga lumulutang ang kanyang pangalan ay dahil may market value siya, mahalaga siyang player at pakikinabangan tiyak ng kahit na anong koponang kukuha sa kanya. At kapag naipamigay nga siya ng kanyang mother team ay tiyak na makakakuha ito ng maganda o higit na mas magandang kapalit.
Kung ang isang manlalaro ay nababanggit sa trade talks, hindi siya dapat na magreklamo sa kanyang team. Kasi nga, puwede din namang nakikipag-usap siya sa ibang teams sa kasalukuyan at hindi nalalaman ng kanyang mother team ang pag-uusap na ito.
Hindi nga bat maraming beses na rin namang nagugulat ang isang mother team kapag ang kanilang star player ay bigla na lamang pumirma ng offer sheet buhat sa ibang koponan?
Hindi naman nasisira ang player-team relationship dahil sa mga usaping ito o ng pagpirma sa offer sheet dahil professional league ang PBA. Binabayaran naman ng team ang players. Naglalaro ang players dahil sa suweldong tinatanggap nila.
So okay lang iyon.
Kapag may lumutang na trade talks o offer sheets, bahagi lang iyon ng buhay sa PBA.
Dapat ay walang samaan ng loob.
Binabati namin ng happy birthday ang aming kumpadreng si Errol Magtubo ng Darts Council of the Philippines. Magdiriwang siya sa Disyembre 29 at magkakaroon ng darts tournament sa Disyembre 30 gaya ng nakagawian na.
Taun-taon kasi ay nagkakaroon ng fund-raising activity si Errol at itoy tinaguriang "Huling Hirit." Ang proceeds ng torneong ito ay ibinibigay niya sa isang charitable institution o sa isang tao na lubhang nangangailangan.
Kaya naman dinadagsa ang torneong ito na palaging sa Amber Ihaw-Ihaw sa Makati ginaganap.
Its a tournament for a good cause, ika nga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended