Buhain, Dayrit tuloy pa rin ang iringan

Kahit Paskung-Pasko, tuloy pa rin sa iringan sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit at Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain.

Nagpalitan ng pagbati ng ‘Merry Christmas’ ang dalawang matataas na pinuno ng sports sa Christmas Party ng POC-PSC Media Group kamakalawa ng gabi, ngunit ramdam pa rin ang tensiyon na namamagitan sa dalawa.

Maagang umalis si Dayrit sa Christmas Party na ginanap sa Rizal Memorial Badminton Hall at di na gaanong nagkomento pa ukol sa isyu.

Ngunit si Buhain ang naging vocal‚ sa pagbibigay ng kanyang senti-miyento sa pabirong paraan para sagutin ang mga sinabi ni Dayrit sa kanya.

Matatandaang binatikos ni Dayrit si Buhain sa pagbibigay ng prayoridad ng PSC sa mga grass-roots development.

Sinabi ni Dayrit na kailangang pagtuunan ng atensiyon ang pagha-handa ng bansa para sa pagho-host ng Southeast Asian Games sa 2005.

"Magtsa-champion nga ito sa 2005, pero wala na tayong pamalit na atleta," sabi ni Buhain

Kabilang sa mga proyekto ng PSC ay ang Palarong Pambansa, Batang Pinoy, EAGA at ang Mindanao Friendship Games na ginagastusan ng milyun-milyon para sa pagdaraos nito.

Show comments