Maligayang-maligayang Pasko sa lahat ng masugid na mambabasa ng Pilipino Star Ngayon hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad na sumusubaybay naman via the internet.
Isang tulog na lang ay araw na naman ng Kapaskuhan. sana ay maramdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko kahit na sabihin pang sobra na yatang commercialized ng Christmas ngayon.
Merry Christmas to one and all!
Nais lang naming magpasalamat sa mga taong taga-basketball world na nakaalala sa amin ngayong Kapaskuhan: Buddy Encarnado at Amy sa Sta Lucia, Elmer Yanga ng RFM Corporation, Robert Non at Serge Alombro ng San Miguel Corporation, Wilfred Uytengsu, Blen Fernando at Jojo at Butchick Lastimosa ng Alaska, Philip Co ng Accel, Jun Cabalan at Ira Maniquis ng Ginebra San Miguel, Bert Lina at Lito Alvarez ng Air 21 at Fed Ex, Rellie de Leon ng Converse at Avia, Jo Casal at Pinky Huit ng Colgate Palmo-live Phils, Boybits Victoria, Tina Villafranca ng Nutrilicious, Joyce Chua ng Minami, Mr. Bobby Kanapi at Vicky Araneta ng Shell, Beth de Tagle at Karen de Tagle ng Sutla, Jun limpot, Nat at Tess Canson, Bong at Nancy Hawkins, PBL Chairman Dioceldo Sy ng Blustar, Raul Panlilio ng Crystal Spring at Real Mccoy Chips, Carson Tan ng Aqua Best, JB Baylon at Baby Aurelio ng Coca Cola, Big Boy Cheng ng Uratex, Raymond Yu at Terry Que ng Welcoat, Henry Ong ng 20th Century at Maui and Sons, Manny Valera ng DMV Entertainment, at siyempre pa, sa management ng Pilipino Star Ngayon lalong-lalo na kina Boss Miguel Belmonte at Angie Isidro.
Marami pong salamat sa inyong lahat!
Hirap na hirap na raw ang mga basketball players ngayon na makapagpapirma ng mahabang kontrata.
Ang ginagawa daw ngayon ng mga teams, nagpapapirma ng one or two year contract lang.
Gusto lang makasiguro kasi. Maraming players kasi ngayon ang hindi na masyadong tumatagal ang lakas at liksi kaya mabuti na nga naman yung maiksi na lang ang kontrata para sa players nila.