Inilinya ng mga kabataan mula sa La Union na sina Brenda Mae Membrere ng Aringay at Kyla Joy Camacho ng Caba para sa individual at team gold medals sa below-8 years category.
Binigyan ni Membrere ng leksyon si Chua Tee Teng ng Malaysia para sa limang puntos habang magaang naman na giniba ni Camacho si Nadia Gitta Hadi Soebroto ng Indonesia para sa apat na puntos.
Nabigo si Jodilyn Pascua Fronda ng Muntinlupa City sa dating co-leader Hoang Thi Nhu Y ng Vietnam. Bumagsak naman sa ikaapat si Chardine Cheradee Camacho, ng Caba, La Union, at Myat Thiri Aung Kyaw ng Myanmar sa 4.5 points. Kasunod nila ang trio ng Vietnamese -- Hoang Thi Nyu Y at Nguyen Thao Han sa 5.5 points at Nguyen Ngoc Phuong Khanh na may 5 points.
Nakipag-draw naman si Kenn Rienzi Camacho kay leader Anas Nazreen Bakri ng Malaysia, makaraan ang kanyang panalo sa kababa-yang si Eric Gleen Acosta ng Baguio sa nakaraang round, upang ilagay siya sa malapit sa medalya. Pinangunahan ni Bakri ang grupo ng may anim na puntos kasunod sina Viet-namese Thon That Nhu Tung at Le Quang Liem at 5.5, habang sina Camacho at Joshua Panir Selvam ng Malaysia ay may limang puntos.
Nakipag-draw rin ang lahat ng mga Filipino boys sa Under 10 category sa 7th round matches upang mapanatili ang kaunting kalamangan sa Brunei para sa laban sa bronze, Ang team gold ay inaasahan nang mapupunta sa Singapore habang ang silver ay sa Vietnam.
Nakihati ng puntos si Franz Robert Grafil ng Valenzuela kay Mark Ho En Tian ng Singapore; si Marc Christian Nazario ng Quezon City kay Olrenzo Diary Johan ng Indonesia; habang si Antoni Angelo Seloterio ng Bulacan ay kay Sumanth Subrama-niam ng Vietnam.
Sa Disyembre 25, Pasko, makikipaglaban si Membrere (5 pts) kay Danielle Ho En Hui (6 pts) ng Singapore para sa gold habang si Kyla Joy Camacho (4 pts) ay kay Abigail Ko (3 pts) ng Singapore
Kapwa may siyam na puntos ang Pilipinas at Singapore.