^

PSN Palaro

Foreign teams tampok sa Fiesta Conference

-
Tatampukan ng mga dayuhang koponan ang Fiesta Conference ng Philippine Basketball Association sa pagsisimula ng quarterfinals phase.

Siniguro ng PBA Commisioners’ Office na magiging kapana-panabik at kasiya-siya ang dadalhing foreign team sa bansa at mas mapag-hamon.

"We will make sure that the teams that will come here will make a serious run for the Fiesta Cup," wika ni PBA Commissioner Noli Eala.

Ipinadala na ang mga imbitasyon sa Japan pro league, National Bas-ketball League of Australia at sa Angola national team upang sumali sa Fiesta Conference. Tanging dalawa mula sa tatlong imbitasyon ang makakakuha ng slots para sa PBA’s transition tournament.

Isa ang Japan pro league sa sikat na liga sa Asia na kagaya ng sa PBA at isa rin sa paboritong tigilan ng mga PBA imports gaya ng Red Bull reinforcement na si Tony Lang. Ang Japan rin ang isa sa bansang nagbigay ng kaba sa Philippines sa Busan Asian Games.

Sa kabilang dako, ang Australia ang consistent sa paghulma ng mga National Basketball Association talents gaya nina Luc Longley, miyembro ng tanyag na Chicago Bulls champion teams, Mark Bradtke, Shane Heal at Andrew Gaze. Hinati ng Australian team, Melbourne Tigers ang dalawang laro kontra sa Philippine team sa Busan Asiad bilang bahagi ng kanilang exhibition matches dito.

Nagpapalakas naman ang Angola national squad para sa kanilang kampanya sa Athens Olympic sa susunod na taon kung saan isa sila sa piling koponan na nag-qualified para sa nasabing quadrennial meet.

Bumisita ang Angolans sa bansa kamakailan at binugbog ang RPmen’s basketball team na nagwagi ng gintong medalya sa katatapos pa lamang na Southeast Asian Games sa Vietnam.

"Clearly, these squads are not of the same quality as the ones that came here last year. They’re going to be hard to contend with," ani pa ni Eala.

Ayon pa kay Eala, kasalukuyan nang nagpapalakas ang mga kopo-nan ng kani-kanilang rosters bilang preparasyon sa pagdating ng mga nasabing foreign teams.

Dalawang foreign teams ang makakasama ng anim na local squads na makakaligtas sa mahigpitang elimination phase ng Fiesta Confe-rence. Sila ay hahatiin sa magkahiwalay na grupo kasama ng tatlong iba pang local ballclubs.

Ang top two teams sa bawat division ang uusad sa best-of-three semi-finals na ang mananalo ang siya namang maghaharap-harap para sa best-of-five championship series.

ANDREW GAZE

ANG JAPAN

ATHENS OLYMPIC

BUSAN ASIAD

BUSAN ASIAN GAMES

CHICAGO BULLS

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

FIESTA CONFE

FIESTA CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with