^

PSN Palaro

MAGI-IMPROVE PA ANG TIGERS

FREE THROWS - AC Zaldivar -
WALONG manlalaro ng Coca-Cola Tigers ang may kontratang mapapaso sa Disyembre 31 subalit hindi naman layunin ni coach Vincent "Chot" Reyes na magkaroon ng maraming pagbabago sa kanyang koponan. Marahil ay isa o dalawa lamang ang mga players na kanyang papalitan upang kahit paano’y makapagdagdag ng mga bata sa kanyang line-up.

Hindi naman kasi puwedeng porke’t nagkampeon ang Tigers at nakarating sa Finals ng huling apat na conferences ay makuntento na lamang sila sa kanilang achievement. Kailangan din namang makasabay sila sa ibang teams kung improvement ng kanilang line-ups ang pag-usapan.

Ang walong players ng Coca-Cola na may expiring contracts ay sina Rafi Reavis, Rob Wainwright, Gilbert Christian Chia, Gilbert Lao, Leonides Avenido, William Antonio, Rudy Hatfield at Freddie Abuda.

Sa mga ito, natural na mare-renew ang kontrata nina Hatfield, Reavis at Wainwright na mga key figures sa nagdaang best-of-seven Reinforced Conference Finals sa pagitan ng Tigers at ng San Miguel Beer.

Aba’y si Hatfield ay tiyak na papipirmahin ng multi-year contract at baka makakuha ng maximum salary. Hindi nga ba’t leading contender siya para sa Most Valuable Player award subalit nasilat ni Paul Asi Taulava ng Talk N Text na nakakuha ng mas maraming boto buhat sa kapwa players, sportswriters at special four-man committee?

Si Reavis ay tumanggap din ng parangal sa nagdaang PBA Awards Night nang siya ay mahirang na Most Improved Player.

Si Wainwright ay muntik nang walang koponang mapaglaruan sa simula ng nagdaang season matapos na ilaglag ng Shell Velocity. Pumayag na nga lang siya sa isang six-month contract na in-offer ng Coca-Cola kahit na mas maliit ang sahod basta lang makapaglaro. Na-renew ang kontratang ito ng anim na buwan pa at ipinakita niya na puwede nga siyang pakinabangan.

Puwede ding papirmahing muli ng kontrata ng Coca-Cola si Freddie Abuda kahit na nakuha na nila si Rene Hawkins, Jr., asset pa naman si Ka Freddie, eh. Kaya lang ay palagi na lang siyang mayroong injuries.

So, apat na manlalaro ang nasa balag ng alanganin. Sina Chia at Lao ay hindi naman kabilang sa regular roster ng Coca-Cola sa nagdaang Reinforced Conference kaya medyo malabo na ma-renew ang kontrata nila. Bale nagsilbi silang practice players.

Sina Avenido at Antonio ay pawang nasa regular roster ng Tigers subalit hindi naman nagkaroon ng mahabang playing time. So malamang na isa sa dalawang manlalarong ito ang malaglag upang bigyang daan ang sinumang kukunin ng Tigers sa dadating na 2004 Draft.

Bale pang sampung pipili ang Tigers at hindi naman makakakuha ng dominant big man na siyang kailangan nila. So, ayon kay Reyes ay kukunin na lang nila ang best available talent.

Baka isa lang ang madagdag sa roster ng Tigers sa isang taon. Pero tiyak na ang idadagdag na iyon ay magiging bahagi ng kinabukasan ng Tigers na inaasahan ni Reyes na magiging mas maningning!

AWARDS NIGHT

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

FREDDIE ABUDA

GILBERT CHRISTIAN CHIA

GILBERT LAO

HATFIELD

KA FREDDIE

REYES

TIGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with