^

PSN Palaro

American coach napipisil ng Shell

-
Isa pang Amerikanong coach ang magpapakita ng husay sa PBA sa susunod na taon bilang coach dahil sa nais ng Shell Velocity na kunin si John Moran bilang kapalit ni Perry Ronquillo na nagbitiw kamakailan.

May kapit umano si Moran sa loob ng Shell dahil ito ang personal trainer ni Anthony dela Cruz na naging contender para sa Most Improved Player award ng 2003 PBA season. Natalo si dela Cruz kay Raffi Reavis ng Coca-Cola.

Nakilala si Moran ng mga Pinoy basketball fans nang pamahalaan nito ang 2003 PBA Rookie Training camp.

Bukod kay Moran, kinokonsidera din ng Shell management sina dating Sta. Lucia coach Norman Black at dating Shell cagers Leo Austria ng Welcoat at Leo Isaac ng Blu Star.

Ipopormalisa ng Shell management ang kanilang pagpili anumang araw mula ngayon at ihahayag ito bago mag-Pasko.

Ang pangunahing gawain ng coach na hahalili kay Ronquillo ay ang pagpili sa top pick sa 2004 PBA Draft. Ang Turbo Chargers ang may pinakamasamang record sa 2003 PBA season.

Isang dominanteng malaking tao ang pipiliin ng Shell at ang pangunahing kandidato ay si Rich Alvarez ng Ateneo, na siyang two-time Most Valuable Player sa UAAP.

Ang iba pang matatangkad na player na tulad ni Alvarez na puwe-deng piliin ay sina Ranidel De Ocampo at Ervin Sotto na mga naglaro sa National team na napanatili ang korona sa SEAG na ginanap sa Vietnam kamakailan.

Ngunit kapag si Moran ang napiling coach ng Shell Velocity, muling magsisiklab ng kontrobersiya ito sa Basketball Association of the Philippines na pinamumunuan ni dating Shell coach Chito Narvasa na malamang na mag-protesta laban sa American coach. (Ulat ni AC Zaldivar)

ANG TURBO CHARGERS

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BLU STAR

CHITO NARVASA

COACH

CRUZ

ERVIN SOTTO

MORAN

SHELL

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with