Kahit sabihin pang mukhang mas malaki in magnitude ang pagkapanalo ni Manny, ibang klase rin naman ang ginawa ni CJ dahil World Cup yun.
Hindi lang nakatuon ang mga Pinoy nung manalo si CJ di tulad ni Manny na may coverage mula sa US.
But in terms of pride and respect na naibigay nila sa Pilipinas, pareho lang ang nagawa nina Manny P. at CJ!
Mabuhay kayo, Manny P at CJ!
Kailan pa ulit kaya magkakaroon ng mga atletang tulad nina Manny at CJ ang Pilipinas?
Sana, very soon.
Bagyo, malalakas na hagupit at kung anu-ano pa, sari-saring issues, sari-saring kontrobersya.
Pero tulad din ng mga nakaraang PBA seasons, ipinakita lang ng PBA na kaya nitong labanan ang mga malulupit na palo sa kanila at sa bandang dulo, lalabas din silang matagumpay.
Sa gitna ng mga nagdagsaang problema sa liga, naipakita ng PBA na kahit paano, kaya nitong makaahon at nitong mga nakaraang araw, naging matagumpay ang PBA Finals ng San Miguel at Coca-Cola, at naging kapuri-puri rin ang kanilang annual awards night.
Magkatuwang na hinarap nina Noli Eala, Jun Cabalan at ng iba pang nasa board of governors ang mga unos na dinaanan nila at tutuo ka, nakaahon sila mula rito.
At sa 2004, si Buddy Encarnado naman ang magiging Chairman of the Board.
We can only wish the best for the PBA sa 2004. Dasal namin ay hindi na sila datnan ng mga problemang kailan lang ay bumalot sa liga.
Dasal namin ay maibalik nito ang dating nagni-ningning na liga na naging paborito na ng bawat Pilipino
At isa pang dasal namin sana ay pumasok na ang Ginebra San Miguel sa finals next season.
Di bale, champion naman kaya okay lang sa management na magpakawala ng malaking party.
Pagkatapos nun, takbo ang mga players sa Pier 1 sa Tomas Morato para doon ipagpatuloy ang kasiyahan. Pero dito ay KKB na sila-- kanya-kanyang bayad !!!
Hindi pa sinasabi sa kanila kung saan ang kanilang bonus trip abroad.
Umaasa sila siyempre na mayroon nun.
Knowing San Miguel Corporation, tiyak na mayroon nun.
Kasarap talagang mag-champion !
Sige nga, pakinggan namin kayo... padala nyo maiksing reaction nyo at defense sa choice nyo sa psnsports@philstar.net.ph.
Ang tanong: Sino ang tunay na MVP sa 2004 PBA season-- Asi Taulava o Rudy Hatfield?
Text nyo sa amin at ilalabas namin dito reactions ninyo.